Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas

Sunday, 19 January 2020

Alamat ng Daliri

Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang mga daliri natin. Noong unang panahon magkakasama ang limang daliri ng tao. Dahilan sa isang di inaasahang pagtatalo ay nagkaroon ng aberya ang grupo.

Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan ni Hinliliit kaya nagmamakaawa itong lumapit sa Palasingsingan.

"Parang awa mo na. Gutom na gutom lang ako. Maaari bang makahingi ng pagkain sa iyo?"

"Ano? Manghihingi ka ng pagkain? Heto nga at walang-wala rin ako. Paano kita mapagbibigyan sa hinihiling mo?"

"May awa ang Panginoon," sabi ng Gitnang Daliri. "Bibiyayaan tayo ni Bathala ng ipantatawid gutom natin. Ang mababait ay lagi nang pinagpapala Niya. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa."

"Pero kapatid," giit ng Hintuturo, "paano kung hindi tayo pakinggan ng Diyos at walang dumating na anumang pagkain? Magugutom tayo at maaaring manghina at magkasakit at mamatay."

"Huwag ninyong hintaying mamatay kayo. E di ngayon pa lang ay magnakaw na tayo!" sigaw ni Hinlalaki.

"Ano ika mo, magnakaw?" galit na tanong ng Palasingsingan.

"Masama yon kapatid," protesta ni Hintuturo, "ang pagnanakaw ay isang malaking kasalanang di dapat gawin ninuman. Ang lahat ay nagsisikap mabuhay. Kung nanakawin mo ang naimpok ng iba, hindi naman ito makatarungan."

"Hindi bale nang mamatay ako sa gutom, huwag lang kumuha ng hindi akin." pagmamatigas ni Hinliliit na bagama't maliit ay may ipinakikipaglabang malaking prinsipyo sa buhay.

"Isang krimeng panlipunan ang pagnanakaw," sabi ng Gitnang Daliri.

"Hindi lang siguro krimeng panlipunan. Ito ay magiging kasiraan din ng ating angkan na nagsisikap mapanatili ang kalinisan ng pangalan!" paliwanag ni Palasingsingan.

"Ano bang angkan at lipunan ang pinagsasabi ninyo! Mamamatay kayo sa gutom kung hindi tayo magnanakaw. Gumawa na lang tayo ng kabutihan matapos busugin ang ating mga tiyan. Masamang mamatay na dilat ang mga mata sa gutom!"

"Aba! Aba!" giit ng Hintuturo, "Hindi baleng walang laman ang sikmura, huwag lang parusahan at ipakagat sa mga langgam!"

"O ipaglubluban ang ulo sa ilug-ilugan!" dugtong ni Hinliliit.

"O itali sa puno at painitan sa matinding sikat ng araw!" dagdag ng Palasingsingan.

"O ipiit sa kulungan at tanggalan ng kalayaan!" diin ni Hinliliit.

"Ano ba naman kayo," paglilinaw ni Hinlalaki, "sa simpleng pagnanakaw ay pinahahaba pa ninyo ang istorya. Talagang mga duwag kayo. Mamamatay na kayo sa gutom ay wala pa kayong maisip na solusyon sa problema ninyo. Isang malaking katangahan yan!"

"Kung gusto mong magnakaw, ikaw na lang at huwag mo na kaming idamay!" sabay-sabay na sagot ng apat na daliri.

Magmula noon, nagsama-sama na ang Hintuturo, ang Gitnang Daliri, ang Palasingsingan at ang Hinliliit.

Namuhay na mag-isa ang Hinlalaki na laging kasamaan ang pinupuntahan.

Iyan ang alamat ng mga Daliri.

Alamat ng Bundok Banahaw

Noong ang malaking Bundok sa gitna ng pulong Luzon ay hindi pa kilala sa pangalang Banahaw ay meron ng maraming tahanang nakatayo sa paanan ng bundok na pinaninirahan ng mga tao lalo na yaong malapit sa ilog.

Sa maraming mag-aanak na doon nakatira ay kabilang ang mag-asawang Lukban at Bayabas. Iisang anak nilang lalaki, si Limbas, ang namumukod sa lakas, sa tapang at sa bilis. Sa kanyang panudla ay bihirang usa, baboy-damo, unggoy, at malaking ibon ay nakaliligtas. Kaya't hindi nagtagal, sa paligid-ligid, ng malaking bundok ay natanyag ang pangalang Limbas. Siya ang naging hantungan ng paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay dumating ang kabayanihan ni Limbas.

Isang araw ay nawala si Limbas at gayon na lamang ang panimdim ng mag-asawa. Hindi sila makakain at makatulog sa hindi pagdating ng kanilang anak. Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay muling nagbalik si Limbas. Dala niya ang isang balutan na sari-saring damit at pagkain. Sa buhay ng mag-asawa ay hindi pa sila nakakalasap at nakakatikim ng gayong nag-iinamang damit at nagsasarapang pagkain. Pakinggan natin ang balita ni Limbas.

"Isang maginoong balbasin ang nagpakilala sa kanya na isang 'enkantado'. Sa maharlikang tahanan nito sa tugatok ng bundok ay doon isinama si Limbas. Doon, ang lahat ng hayop ay puti ang balahibo, di lamang ang mga manok pati ang mga usa. Ang hardin ay napakalawak at humihitik sa mga bunga ang mga puno. May sasakyang hinihila ng dalawang kabayong puti, na siyang ginagamit sa paglalakbay sa buong Luzon. At sumama lamang ako sa pag-uwi ng bahay ay hindi nawala ang dulot."

Yaong balutan ng damit at pagkain na pasalubong ni Limbas sa kanyang mga magulang ay unang dulot ng maginoo. Nguni't ang bilin nito bago iabot ang dulot ay dapat munang humalik si Limbas sa kanyang mga magulang. Anupa't ang hindi paghalik sa kamay ay makakapagpabago sa dalang dulot. Hindi minsan mang nawala si Limbas ng pituhang araw at hindi rin sa kanyang pagbalik ay sari-saring kasuotan at pagkain ang dala ang nakasisiya sa kanyang mga magulang.

Minsan pagbalik ng bahay ni Limbas ay isang balutan ng maliit na bolang ginto ang padala ng ginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan humalik muna ng kamay sa kanyang mga magulang, at kara-karakang binuksan ang balot at sinabing, "Narito po ang ating kayamanan mga bolang ginto!"

Subali't ng buksan ang balutan ay hindi ginto ang lumabas kundi mga bunga ng Anahaw.

Kaya't sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas: Ba! Anahaw! Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!"

At buhat noon ay tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon. Gayon din, ang bayan ng Lukban at Tayabas ay nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban, na mga magulang ni Limbas.