Nagsidating ang mga hayop. Mga ibon,usa, tupa, kabayo, kalabaw, butiki, mga iba pang hayop ng himpapawid at kalupaan. Ngunit wala si Kuneho.
"Nasaan si Kuneho? Bakit wala rito?" tanong ni Kuwago.
"Kailangan ay narito ang lahat. Mahalaga ang ating tatalakayin."
Lumipad si kuwago sa tirahan ni Kuneho. "Kuneho! Kuneho! Nandiyan ka ba?"
Nasa loob ng kweba nya si Kuneho. "Magtutulog-tulugan ako." bulong nya sa sarili.
"Ayaw ko ngang dumalo sa mga pagpupulong. Nababagot ako."
"Kuneho!" sigaw ni Kuwago, "Alam kong nariyan ka sa loob. Narinig mo ako. Kapag hindi ka pa lumabas diyan ay pahahabain ko ang taynga mo."
"Kaibigang Kuwago!" sigaw niya.
"Pupunta na ako sa pulong. Ihinto mo na ang pagpapahaba ng aking taynga."
Pumunta siya agad sa pinagdarausan ng pulong. Nang makita siya ng mga kapwa hayop, malakas ang tawanan nila.
"Narito po ako, Mahal na Hari," samo niya. "Paliitin po ninyo uli ang aking taynga."
"Hindi maaari. Parusa ko iyan sa hindi tumatalima sa ipinag-utos ko. Kailangan mong magtanda." galit na sagot ni Kuwago.
"Ngayon ay makikinig ka nang lagi."
Iyan ang dahilan kung bakit naging mahaba ang taynga ng kuneho.
Sino po ang may akda at kelan po ito nailimbag?
ReplyDelete