Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas: Mga Bugtong

Thursday, 12 March 2026

Mga Bugtong

Mga Bugtong sa Pilipinas


Wala sa langit, wala sa lupa
Kung tumakbo ay patihaya.
Sagot: Bangka
 
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan;
 
Ngunit kung ako'y pataying paminsan,
Ay lalong lalawig ang ingat kong buhay.
 
Kung kailan ko pa pinatay
Ay saka nagtagal ang buhay.
 
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya'y dagli kong kakamtan
Sagot: Kandila
 
Binili ko nang di nagustuhan
Ginamit ko nang di ko nalalaman
Sagot: Kabaong   
 
Nang hatakin ang baging,
Nagkagulo ang matsing.
Sagot: Kampana ng Simbahan
 
May kamay, walang daliri
Sagot: Relo 
 
Sa umaga ay nagtataboy
Sa gabi ay nag-aampon
Sagot: Bahay
 
Mataas ang ibinitin
Kaysa pinagbitinan.
 
Buto't-balat, lumilipad
Sagot: Bolador / Saranggola
 
 
Isang uhay na palay
Sikip sa buong bahay.
Sagot: Lampara
 
Kung gabi ay malapad
Kung araw ay matangkad.
 
Kung gabi'y dagat
Sa araw ay bumbong
Sagot: Banig         
 
Lumakad walang paa,
Tumatangis walang mata.
Sagot: Panitik o Bolpen
 
Dala mo, dala ka
Dala ka pa ng iyong dala.
Sagot: Sapatos
 
May apat na binti, hindi makalakad
Sagot: Mesa         
 
Nang bata ay nagsaya,
at naghubo nang dalaga.
           Sagot: Kawayan o Labong

Sa init sumasaya
Sa lamig ay nalanta
Sagot: Acacia

Nang maalaala'y naiwan
Nadala nang malimutan.
Sagot: Amor seco

Nang maliit ay ulam
Nang lumaki'y kasangkapan
Sagot: Labong at kawayan

Tabla magkabila
Alulod ang gitna
Sagot: Dahon ng saging

Putukan ng putukan
hindi magkarinigan
Sagot: Camanchile

Nagsaing si Ingkong
Sumusulak ay wala namang gatong
Sagot: Gugo

Tinaga ko ang puno
Sa dulo nagdurugo
Sagot: Gumamela

Bumubuka'y walang bibig
Ngumingiti nang tahimik
Sagot: Bulaklak

Mapatubig-mapalupa
Ang dahon ay nananariwa
Sagot: Kangkong

May binti, walang hita
May ulo, walang mukha
Sagot: Kabuti

Nagtago si Pedro
Nakalitaw ang ulo.
Sagot: Pako

Nang wala pang ginto
Ay doon nagpalalo
Nang magkaginto-ginto
Ay doon na nga sumuko.
Sagot: Palay

Kung pabayaan ay nabubuhay
Kung himasin ay namamatay
Sagot: Makahiya

Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso

Matanda na ang nuno
Hindi pa naliligo.
Sagot: Pusa

Maliit pa si kumpare,
Nakakaakyat na sa tore.
Sagot: Langgam

Maliit pa si Nene
nakakaakyat na sa tore
Sa araw nahihimbing
At sa gabi ay gising
Sagot: Paniki

Tiniris mo na
inaamuyan pa.
Sagot: Surot

Heto, heto na si Lelong
Bubulong-bulong
Sagot: Bubuyog

Tag-ulan o tag-araw,
Hanggang tuhod ang salawal.

Tag-ulan at tag-araw,
Putot ang salawal
Sagot: Manok

Bahay ni Ka Huli
Haligi’y bali-bali
Ang bubong ay kawali
Sagot: Alimango

Kay liit pa ni Neneng
Marunong nang kumendeng
Sagot: Bibe

Anong hayop ang dalawa ang buntot?
Sagot: Elepante

Ang ulo ay kabayo,
Ang leeg [balabal] ay pare,
Ang katawan ay uod,
Ang paa ay lagare.
Sagot: Tipaklong

Naghanda ang alila [katulong] ko
nauna pang dumulog ang tukso.
Sagot: Langaw

Eto na si bayaw
Dala-dala'y ilaw
Sagot: Alitaptap

May ulo'y walang buhok
May tiyan walang pusod
Sagot: Palaka

Pantas ka man at marunong
At nag-aral nang malaon,
Aling kahoy sa gubat
Nagsasanga’y walang ugat.
Sagot: Sungay ng Usa

Alin itlog ang may buntot?
Sagot: Lisa

Dala mo siya
Pero kinakain ka niya
Sagot: Kuto

Yao't dito, roo'y mula
Laging ang ginagawa
Magtago at mamulaga
Sa matatanda at sa bata
Sagot: Unggoy

Kung kailan tahimik
Saka nambubuwisit
Sagot: Lamok

Hindi naman platero,
Hindi naman panday,
Lapat ang buhay
Sagot: Talaba

Baston ng kapitan
Hindi mahawakan
Sagot: Ahas

Tungkod ni Kapitan,
Hindi mahawakan
Kinain ko ang isa
Ang itinapon ko ay dalawa
Sagot: Tulya

Bata pa si Nene
Marunong nang manahi
Sagot: Gagamba

Nang kainin ay patay,
iluwa'y buhay
Sagot: Bulate

Alin sa mga ibon
ang di nakadadapo sa kahoy?
Sagot: Pugo

No comments:

Post a Comment