Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas: Alamat ng Manok

Monday, 16 March 2026

Alamat ng Manok

Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas


Noong unang panahon, may mag-amang nakatira sa isang kubo. Sila sina Mang Nok at ang anak niyang si Tok.

Maaga palang ay ginigising na ni Mang Nok si Tok dahil kung hindi niya gigisingin ang binata ay tanghali na ito magigising at walang magagawang gawaing bahay.

"Tok! Bumangon kana Tok!"

"Mamaya na po Itay. Inaantok pa po ako."

Ganyan nalang ang palaging nangyayari araw-araw.

Isang araw nagkasakit ng malubha si Mang Nok.

Pagod man at nanghihina ay ginising parin ni Mang Nok ang anak na mahimbing ang pagkakatulog.

"Tok! Bumangon kana Tok! Ikaw muna ang gumawa ng mga gawaing bahay dahil may sakit ako."

"Ayoko po Itay. Nakakatamad yan at tsaka inaantok pa po ako. Ikaw nalang po ang gumawa dahil sanay kana naman."

Dahil sa naging sagot ng anak, naging malungkot si Mang Nok.

"Ano nalang kaya ang mangyayari sa anak kong ito kung sakaling bawiin na ng Diyos ang aking buhay?"

Lalong lumubha ang sakit ni Mang Nok na sanhi ng kanyang pagkamatay. Labis ang pagsisisi ni Tok. Simula noon natuto na si Tok na asikasuhin ang sarili.

Isang araw, ginising sya ng isang ingay.

"Toktugaok!"

Paulit ulit ito kaya tiningnan niya kung saan nanggagaling ang ingay na iyon. Namangha sya dahil galing iyon sa hayop na ngayon palang niya nakita.

Simula noon, araw-araw na siyang maagang nagigising dahil sa ingay ng hayop na iyon. Naalala niya ang kanyang ama dahil ginigising din siya nito ng maaga. Pinangalanan niyang "Mang Nok" ang hayop at sa paglipas ng panahon ang "Mang Nok" ay naging "Manok"

Ay yun nga, ang alamat ng manok.


No comments:

Post a Comment