Kung Bakit sa Gabi Lumilipad ang Paniki
Dati raw, mahigpit na magkagalit ang mga ibon at mga hayop
na nakatira sa lupa. Mabangis silang pare-pareho at kapag nakikita ang isa sa
mga kaaway ay pinagtutulungan.
Sa kabilang dako, ang paniki ay isang hayop na mahiyain at hindi sumasali sa
awayan. Iniiwasan niya ang ibon at pati ang mga hayop na nakatira sa lupa.
Ngunit isang umaga hindi nya naiwasan ang isang leon. Sa pamamasyal niya sa
malapit sa kweba, biglang may lumabas na leon.
Akma na siyang papatayin nang nagsalita siya. "Huwag! Huwag mo akong
patayin. Hindi mo ako kaaway. Ako'y tulad mo. Tingnan mo, pareho mo akong
dalawa ang taynga at isa ang nguso."
Tiningnang mabuti ng leon ang paniki, at tunay nga, may taynga at ngusong
katulad niya. "Sige, umalis kana. Pag nakakita ka ng ibon, tawagin mo
ako," bilin nya sa paniki.
Isang hapon, nasalubong naman ng ibon ang agila. Hinawakan
siya nito ng malalaking kuko. "Huwag mo akong saktan," iyak
nya. "Ako'y ibong tulad mo. Masdan mo't may pakpak rin ako."
"Ah.." sabi ng agila. "Isa ka rin palang ibon. May pakpak at
nakalilipad. Magkakampi pala tayo."
At mula noon, takot na ang paniki na lumabas nang maliwanag pa. Baka kasi may
makasalubong siyang hayop sa lupa , o di kaya ay ibong lumilipad. Lagi na
lamang sa gabi siya lumalabas sa kanyang pinananatilihang lugar.
At iyon ang dahilan kung bakit sa gabi lumilipad ang paniki.