Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas: Alamat ng Tandang

Wednesday, 27 September 2017

Alamat ng Tandang

Alamat ng Tandang
Naging tanyag ang bathala dahil sa mga payo niyang nakalutas sa maraming sigalot dapat sana'y pinagmulan na ng maraming digmaan. Dahil dito'y maraming datu ang laging sumasangguni sa kanya. Sa tuwina'y mahaba ang pila ng mga datung nais humingi ng payo kay Sidapa.
Sa mga pagkakataong labis siyang nagiging abala at hindi agad nakakausap at nakapagbibigay-payo sa mga datu ay sumsiklab ang digmaan at maraming dugo ang dumadanak. Labis itong nakapagpapalungkot kay Sidapa. Ayaw na ayaw niyang namamtay nang dahil lang sa mga digmaang walang kapararakan.
Subalit tila namihasa na ang sundalo sa masamang nakasanayan. Saglit lang ang pagsunod nito sa kanyang pangako at katagala'y nakalimutan na naman niya ito. Madali siyang nahihikayat ng mga kaibigan upang makipag-inuman. At hindi basta patagay-tagay lang. Maramihan at matagalan sila kung mag-inuman.
Noong unang panahon sa malayong lalawigan ng Antique ay naninirahan ang isang iginagalang at minamahal na bathala. Siya'y si Bathalang Sidapa, ang bathalang lubos na nagpapahalaga sa kapayapaan kaya't madalas siyang hingan ng payo ng mga datu upang maiwasan ang pakikipagdigma at mapanatili ang pakikipagkaibigan sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Dahil sa dami ng mga pinuno at maging ng mga karaniwang taong lumalapit kay Sidapa at nagdudulog ng kani-kanilang mga problema ay kailangan na rin niya ng taong magpapaalala sa kanya ng mga nakalaang gawin para sa bawat araw. Ang nasabing tao ay siya na ring gigising sa kanya tuwing madaling araw.
Pinulong niya ang kanyang mga sundalo at tinanong ang mga ito kung sino sa kanila ang maaring makagawa ng ganung responsibilidad para sa kanya.





"Ako po, kayang-kaya ko pong gawin iyan," ang may himig pagmamalaking sabi ng isang matikas na sundalo.
"Sige, yamang ikaw ay nagpriprisinta, tatanggapin kita," ang malugod na wika bathala sa sundalong tinawag niyang Sundalong Orasan.


Labis naman niyang ikinatutuwa kapag napagkakasundo niya ang mga pinuno at naiiwasan ang anumang madugong digmaan. Isa sa kanyang mga pangarap aya ang tuluyan nang mapalitan ng respeto , pakikipagkaibigan at pagmamahalan ang galit at karahasang nagbubunga ng di pagkakaunawaan at digmaan sa mundo. Alama niyang malaki ang papel na ginagampanan ng pagiging mahinahon, ng pag-uusap, at ng pagkakasundo upang maisagawa ito kaya naman lagi siyang naglalaan ng panahon sa sinumang datu o pinunong nais humingi ng payo sa kanya

Sa mga unang araw ay naging masigasig si Sundalong Orasan sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin subalit habang tumatagal ay nahihirapan siyang gumising ng madaling-araw dahil na rin sa pagpupuyat niya sa mga gabing nagkakatuwaan sila ng kanyang mga kaibigan. Kapag nahuli siyang gumising ay nahuhuli rin siya sa paggising kay Bathalang Sidapa. Madalas
Sa tuwina'y nagpapasensiyan ni Sidapa ang ganitong mga pagkukulang ng Sundalong Orasan. Nag-isip siya ng paraan upang higit na sipagin ang sundalong panggising sa kanya at isang bagay na naisip niyang gawin ay ang pagbibigay pa rito ng karagdagang pilak bilang insentibo. Tuwang-tuwa naman ang sundalo at nangakong pagbubutihin na niya ang kanyang tungkulin
Dahil sa kalasinga'y nagiging matabil pa ang sundalo at naikukuwento sa mga kainuman ang mga sikretong inilalahad ng mga sumasangguni kay Bathalang Sidapa na dapat sana'y di na nalalaman ng iba.
Dahil sa labis na kalasingan ng Sundalong Orasan ay maraming mga umagang hindia niya nagigising si Sidapa. Dahil dito'y may mga digmaang sana'y naaganapan dahil sa mahuhusay na payo ni Sidapa ang natuloy kaya't maraming sundalo na rin ang nagbuwis ng buhay. Naging sanhi rin ng pagkakaroon ng mga digmaan ang pagkalat ng mga lihim na isiniwalat ng Sundalong Orasan kapag siya'y nalalasing.
Dahil dito ipinatawag ni Bathalang Sidapa ang Sundalong Orasan. Humarap itong lasing na lasing sa bathala.
"Sundalo, dahil sa kapabayaan mo'y nagkaroon ng madugong digmaang dapat sana'y napayapa at napigilan kung nakausap ko lang ang mga pinuno ng mga kasangkot na baranggay, " ang nagpipigil na wika ng bathala.
"Pa... patwarin muli ako... mahal na bathala," ang nagkakadauntal-utal na sagot ng sundalo dahil sa labis niyang kalasingan.
"Ang kapabayaan mo'y nagbunga ng pagkawala ng maraming buhay dahil sa digmaan. Ang mga lihim na ipinagsasabi mo sa lahat ay lalo pang nakapagtulak sa mga pinuno upang ituloy ang digmaan. Ang hindi mo paggising sa akin sa mga umagang dapat sanang nakausap ko ang mga datung nasasangkot ay nakaaapekto rin nang malaki sa mga usaping pangkapayapaan," halos manginig sa galit na wika ng bathala.
"Pa... pasensiya na po. Di ko lang po talaga maiwasan..." Hindi nagawang tapusin ng sundalo ang sasabihin sapagkay sumambulat ang pagtitimpi ng bathala sa mga pagkukulang ng sundalo.
"Sapat na ang pagbibigay ko sa iyo nang ilang beses, Sundalo! Bilang parusa sa iyong mga kapayaan, ikaw ay magiging isang hayop na tagagising ng lahat ng tao tueing madaling-araw!"ang umaalingawngaw na sabi ng galit na galit na bathala sa sundalo.
Pagkawika nito'y ikinumpas ng bathala ang kanyang kanang kamay at kasabay nito'y umalimbukay ang makapal na usok na bumalot sa buong silid. Pagkahawi ng usok ay nakita ang pagbabagong-anyo ng pabayang sundalo. Lummit siya at ang mga bisig ay napalitan ng mabalahibong pakpak. Ang buong katawan ay nabalutan din ng balahibo. Nagbago rin ang kanyang mukha at ang mga labi'y naging tukang nilalabasan na lamang ng tilaok sa halip na mga salita.

"Ang lahat ng pagbabago sa iyo ay TANDA ng iyong kapabayaan. Hinding-hindi mo na malilimutang manggising ngayon at bilang TANDA ng iyong mga kasalanan ay tatawagin kang TANDANG upang maipaalala sa lahat ng tao na sa bawat paggising nila sa umaga ay mayroon silang misyon o tungkuling dapat tuparin ng maayos," ang wika ng Bathala.
Magmula nga noon ay maririnig na ang malalakas na tilaok ng tandang sa madaling-araw bilang TANDA na oras na ng pagising ng mga tao.

No comments:

Post a Comment