Noong unang panahon, kalangitan at karagatan lamang ang makikita sa kalawakan. Dalawang bathala at kanilang mga anak ang nakatira rito. Si Kapitan ang bathala ng langit, anak niya si Ulap. Si Dagatan naman ang bathala ng karagatan, anak niya si Alon. Ipinakasal nila ang kanilang anak upang silay magkalapit. Apat ang naging anak nila Ulap at Alon,sila ay sina Lupa,Araw,Buwan at Tao. Sila ay lumaki sa pangangalaga ni Lolo Kapitan at Lola Dagatan.
Isang araw,habang nagbabatuhan ng mga kumpol ng ulap at mga alon ang magkakapatiday natamaan ang kanilang lolo at lola. Sila ay nabukulan Kinailangan nilang umuwi at magpagaling sa kani kanilang tirahan. Natakot ang magkakapatid na baka nagalit sa kanila sila lolo at lola!Kaya naisipan nilang awitan ang mga ito.
Guminhawa naman ng kaunti ang pakiramdam nila.Walang ano ano’y kumulog at kumidlat ng malakas. May bolang apoy na sunod-sunod tumama sa kalangitan! Ang unang bolang apoy ay tumama kay Lupa. Si Lupa ay agad na naging bolang sunog. Ang ikalawang bolang apoy ay tumama kay Araw. Namilipit siya sa sakit. Hindi namatay ang apoy sa kanyang katawan. Natamaan din si Buwan ng bolang apoy. Siya ay nagkapirapiraso. Si Tao naman ay nagtangkang pumasok sa bahay ngunit tinamaan din ng bolang apoy! Nahati sa dalawa ang katawan nito at bumagsak kay Lupa.
Wala ng buhay ang mga apo ng matagpuan ng kanilang lolo. Labis siyang nalungkot. Isinalin ng mga lolo at lola ang kanilang kapangyarihan sa mga apo. Si Araw ay nagbigay liwanag at init sa umaga,si Buwan naman ay nagbibigay liwanag sa gabi at ang mga piraso nang katawan niya ay naging mga bituin. Si lupa naman ay tinubuan ng mga halaman at punong kahoy. Ang kalahati ni Tao ay naging lalaki at ang isa niyang kalahati naman ay babae. Sila ang unang tao sa mundo. Naging tahanan nila si Lupa. Hindi mapapalitan ang pagmamahal ng isang magulang.
No comments:
Post a Comment