Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri
ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim
at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian,
si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may
kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na
may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo,
siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay
ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang
kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng
masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng
magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi
pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag
nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang
kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga
katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa
kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa
diwata ng lupain, isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil
dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga
kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang
pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang
sandali ay nag iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na
taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga
ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait
ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.