Dahil walang nakikita at walang makausap ay naging
malungkutin si Haring Pinagmulaan. Ibig niyang maaliw ngunit wala namang
mapaglibangan. Sa gayon ay ginugol niya ang maraming oras sa pag-iisip kung ano
ang dapat niyang gawin. Hanggang bigla siyang mapangiti. May naisip kasi siyang
paraan kung paano sasaya.
Nang oras ding iyon ay nilalang niya ang daigidg.
Pansamantala ay nalibang si Haring Pinagmulan. Pero hindi
naging pangmatagalan ang kasiyahang iyon. Damang-dama parin niya ang lungkot
dahil sa pag-iisa.
Napaiyak si Haring Pinagmulan dahil sa tindi ng lungkot.
Pumatak ang dalawang patak ng kanyang luha sa papawirin.
Ang dalawang patak ng luha ay naging mga ibon. Napangiti si
haring Pinagmulan habang pinagmamas-dan ang mga ibon sa paglipad.
Walang tigil sa paglipad ang mga ibon kahit pagod na pagod.
Wala kasi silang madapuan.
Naawa si Haring Pinagmulan sa mga ibon. Naisip niyang
likhain ang lupa at ang gubat upang makapagpahinga ang mga ito.
Nang makakita ng mga kaka-yuhan ay dumapo sa mga ito ang
dalawang ibon. Makaraang maka-bawi ng lakas ay muling lumipad ang mga ito.
Walang tigil sa paglipad ang mga ibon. Nais nilang malaman
ang lawak ng kalupaang kinaroroonan.
Minsan ay napansin nilang ang isang kawayanan. Dumapo dito
ang dalawa. Nagtaka sila nang makarinig ng mga tinig mula sa loob ng malaking
biyas.
Tinuktok nang tinuktok ng dalawang ibon ang biyas. Napagod
sila sa katutuktok pero hindi tumigil hanggang sa mabiyak iyon.
Mula sa malaking biyas ng kawayan ay lumabas si Silalak, ang
unang lalaki.
Nakarinig muli ng tinig mula sa isa pang malaking biyas ng
kawayan ang mga ibon.
Tinuktok nila ito nang tinuktok. Nang mabiyak ang kawayan ay
isang namang napakagandang nilikha ang lumabas. Siya si Sibabay, ang unang
babae.
Sina Silalak at Sibabay ang pinagmulan ng ating lahi. At ang
Pilipinas ang pulo kung saan sumihol ang pinagmulan nilang mga biyas ng
kawayan.