ANG SAMPUNG DATU Sa malayong pulo ng Borneo, ang naghaharing pinuno ay si Sultan Makatunaw. Sa ilalim ngpamumuno ni Sultan Makatunaw ay mga datu ang katulong niya sa pamumuno sa iba-ibang pook at pulo ng Borneo.
Si Sultan Makatunaw ay naging malupit at masamang sultan. Kakaiba naman ang ugali niya at asal sa mga datu. Ang mga datu ay pawang mararangal at butihing mga tao. Hindi nila naibigan ang mga gawaing masama ni Sultan Makatunaw.
Isang araw, kinausap ni Datu Puti ang iba pang mga datu tungkol sa lumalaki nilang problema sapagkat lalong nagiging masama, sakim at palagawa ng kahalayan ang malupit na sultan. Nag-usap-usap ang mga datu.
"Papayagan ba natin si Sultan Makatunaw sa kanyang masasamang Gawain? Labis na siyang makamkam sa kayamanan. Wala siyang galang sa puri ng kababaihan. Ano ang ating gagawin?" tanong ni Datu Puti sa mga kapulong na iba pang datu.
"Labanan natin siya. Huwag nating payagan ang kanyang mga kasamaan!" anang isa pang datu.
"Ngunit kung maglalaban-laban ang mga kawal natin at mga kawal niya, maraming mga taoang mamamatay. Hindi dapat mangyari ang gayon", ang sabi ni Datu Puti.
"Alam ninyo, sa paglalakbay ko sa karagatan ay may narating akong isang pulo. Isang magandang pulo, mayaman ang lupain at mababait na mga Ati ang naninirahan. Mga Ati ang katutubong tao roon. Umalis na lamang tayo rito sa ilalim ng pamumuno ni Sultan Makatunaw. Tayo ay makipanirahan sa pulong iyon. Mababait ang mga tao roon at alam kong tayo'y kanilang tatanggapin", ang sabi ni Datu Sumakwel.
Pumayag ang ibang datu sa mungkahi ni Datu Sumakwel. Sampung datu silang nagkaisang iwan na ang pulo ng Borneo. Matagal-tagal din naman ang ginawa nilang paghahanda. Gumawa sila ng malalaking bangka na tinawag nilang balangay. Lihim silang umalis ng pulo ng Borneo. Kasama ng mga datu ang lahat ng kanilang mga pamilya at mga kamag-anak. Dala rin nila pati mga kagamitan, mga pananim, at mga hayop na gamit nila sa paggawa sa bukid. Tumagal nang mahabang panahon ang paglalakbay ng sampung malalaking bangkang balangay. Ang kanilang pinuno ay si Datu Puti.
Dumating sila sa magandang pulo na binanggit ni Datu Sumakwel. Ito ang pulo ng Aninipay ang Pulo ng Panay. Ang mga nakatira sa pulong ito ay mga Ati. Ang kanilang pinuno ay si Datu Marikudo. Mababait sila at mapagbigay.
Dumaong sa Aninipay ang sampung malalaking balangay. Nagbigay-galang kay DatuMarikudo si Datu Puti at ang kasamang mga datu. Naiwan muna sa bangka ang kanilang mga kaanak.
"Kami'y mga kaibigan mula sa Pulo ng Borneo. Kung papayag kayo, mahal na Datu Marikudo, nais naming manirahan dito sa inyong pulo", sabi ni Datu Puti.
"Sapagkat sinabi ninyong kayo'y mga kaibigan, at nakiusap kayo na makapanirahan sa aming pulo, kayo'y malugod naming tinatanggap", ang pahayag ni Datu Marikudo pagkatapos na sumangguni siya sa iba pang pinuno at mga mamamayan sa Pulo ng Aninipay.
"Maraming salamat, Datu Marikudo. Napakabait ninyo sa amin kaya mananatili tayong magkaibigan. Tanggapin ninyo ang aming handog sa inyo", sabi ni Datu Puti, at inabot ng mga datu ang isang salakot at isang batya na yari sa lantay na ginto.
Tinanggap ni Datu Marikudo ang mga handog. Nagkaroon ng kasiyahan. Nagkaroon ng malaking piging. Nagdala ang sampung datu ng mga pagkain galing sa Borneo. Nagsaya ang lahat ang mga dumating na mga Bisaya mula sa Borneo at mga Ati na katutubong tao ng Pulo ng Aninipay.
Nanirahan sa may baybay-dagat ang mga bagong dating ngunit ang mga Ati naman aylumipat ng tirahan sa dakong loob ng pulo. Dito na sa Pulo ng Aninipay nanirahan ang pitong datu,ang kanilang mga kaanak at kasama. Samantala, ang tatlong datu na pawang binata pa ay nagpatuloysa kanilang paglalayag. Narating nila ang Look ng Batangas. Dito naman sila nakipanirahan at dito narin nagkaroon ng familya sa Pulo ng Luzon. Itong Pilipinas na ang inari nilang bayan. Namuhay silangmapayapa at matiwasay kasama ang mga katutubo. Sila ang mga Pilipino.
Patak- Tubig
Ako si Patak-TubigIsa ako sa marami, milyun-milyun ang aming bilang
Dati kaming nasa lupa o sa dahon ng halaman
Nadadala ni Hangin kapat mainit ang araw
Kapag bumigat kami, dahil sa kalamigan,
Natutunaw kami't bumabagsak bilang patak-ulan.
Buod ng Alamat ng Sampung Datu sa Borneo:
Ang Alamat ng Sampung Datu ng Borneo ay tumutukoy sa sampung pinuno ng naturang kalupaan na sinasabing nagpasiyang maglayag patungong Panay sa pagnanais na matakasan ang pagmamalupit at di makatarungang paghahari ni Datu Makatunaw sa Borneo.
Nilisan ng mga datu, na lulan ng barangay, ang kanilang sakop kasama ang kani-kanilang mga kabiyak. Kabilang sa mga naglayag ay sina: Datu Puti (at Piangpangan), Datu Sumakwel (at Kapinangan), Datu Bangkaya (at Katurong), Datu Paiborong (at Pabilaan), Datu Paduhinogan (at Tibongsapay), Datu Dumangsol, Datu Libay, Datu Dumangsil, Datu Domalogdog, and Datu Balensuela.
Batay sa alamat, ang mga katutubong Agta, na siyang naninirahan sa kapuluan ng Panay, ay naligalig sa pagdaong ng nabanggit na sampung datu. Upang maibsan ang nadaramang takot ng mga Agta, mahinahong ipinarating ni Datu Puti kay Marikudo, pinuno ng mga katutubo, na dalisay ang kanilang hangarin. Nang lumaon, napagkasunduan ng dalawang panig na makipagkalakalan sa isa't isa, sampu ng kanilang nasasakupan. Inanyayahan ni Marikudo ang sampung datu sa isang piging, at dito'y hiniling ng mga datu na makamtan ang kapatagn ng Panay kapalit ng isang gintong salakot na ibibigay nila sa mga katutubo; maluwag namang nagpaunlak ang hiningan. Simula nito'y nagkaroon na ng mabuting samahan ang mga datu at ang mga Agta.
Hindi nagtagal, namundok rin ang mga Agta sapagkat kanilang napuna na lubhang malawak para sa kanila ang kapatagan, kaya naman naiwan dito ang mga datu at pinaghatian ang kalupaan sa tatlo— Aklan, Irong Irong, at Hamitik.
Ang bawat tao ay hndi kinakailangan mag away, pagkakasundo at mabuting pag uusap lamang ang kailangan upang m,atugunan ang bawat pangangailangan at masolusyunan ang bawat problema.
Walang gulo, walang giyera, tahimik na pamumuhay...
Sa loob ng mahabang panahon, ang alamat na ito ay kinilala ng mga lokal na mamamayan ng Panay bilang bahagi ng kanilang kasaysayan - isang matibay at matatag na patunay ng pagkakabuo ng kanilang lipunan at lahi. Subalit batay sa pagsusuri ng mga dalubhasa, ang naturang salaysay ay wala sa katuwiran at itinuturing na peke o huwad.