Sa tuwing maaaring tinola ang nasa hapag-kainan, ito ang kanyang sinasabi ukol sa mga gulay, "te sa'yo".
Isang araw, dumalo silang magkapatid sa piyesta at siyempre maraming handa. Napakasiba ng bata, naka-ilang plato ng kanin at ulam ang kanyang naubos. Tulad ng dati, ang lahat ng gulay ay "te sayo".
Habang kinakain ng kanyang ate ang kanyang mga itinirang gulay, bigla na lamang itong na-empacho, subalit pagtakbo niya sa palikuran, ina-take ito sa puso at namatay. Dahil hindi naman sila mayamang magkapatid ay inilibing na lamang niya ang kanyang ate sa likod ng kanilang bahay kung saan ay nakatanim ang iba't ibang halaman.
Isang araw ay may tumubong kakaibang tanim sa puntod ng kanyang nakatatandang kapatid. Hindi niya ito pinansin at hinayaan lamang tumubo. Namunga ito makaraan ang ilang buwan at laking gulat niya ng maalala niya ang kanyang ate dahil sa hugis ng bunga nito. Sabi niya, "Sa'yo 'Te ang gulay na to".
Mula noon ay natutunan niyang mahalin ang gulay na iyon at naging paborito niyang kainin. Tinawag niya itong sayote bilang pag-alala sa kanyang nakatatandang kapatid.