ANG ALAMAT NG PINYA
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon
at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw.
Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay
dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa,
napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si
Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman
ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na
di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa
katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka
ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang
tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na
umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap.
Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya
ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng
pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling
Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila
ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni
Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa
kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan
niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng
makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi
kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang
hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab
ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag
itong Pinang, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.