Ang isang ikinukuwento ay ang alamat ng "Malapad na Bato." Noong hindi pa dumarating sa Pilipinas ang mga Kastila, sinasamba ng mga tao ang Malapad-na-Bato, na umano ay tirahan ng mga espiritu.
Sa katagalan ng panahon, iyon ay naging tirahan ng mga tulisan. Mula sa tugatog noon ay madali silang nakapanghaharang ng mga bangka. Kaya pagkatapos ng maraming taon, may mangisa-ngisa pa ring nakikitang nakataob na bangka sa tabi ng bato.
Si Padre Florentino naman ang nag-ulat ng isa pa ring alamat ng Ilog Pasig, ang makasaysayang alamat ng yungib ni Donya Geronima.
Noon daw araw, may isang binatang nangakong pakakasal sa isang dalaga sa kanilang bayan. Naghintay ng mahabang panahon ang dalaga sa kanyang kasuyo hanggang sa lumipas ang kanyang kagandahan at kabataan. Nanirahan so Donya Geronima, pangalan ng dalaga, sa isang yungib na napapalamutihan ng binulaklakang baging. May mga nagsasabing ang Donya ay nagpakataba-taba kaya kung papasok ka daw sa yungib ay patagilid.
Napabantog si Donya Geronima na isa na raw palang engkantada dahil sa ugali niyang maghagis sa ilog ng mga kasangkapang pilak. Ang kweba, pati ang tirahan niya, ay pinagdarausan ng mga kasayahan at salu-salo.
Nagwakas ang alamat sa ulat na ang kuweba daw ay pinasok ng tubig mula sa ilog, at mula noon ay hindi na nakita ang masayahing matandang dalaga.
Ang isa pang alamat na ikinuwento ng isang kasakay sa bapor ni Sumuon ay tungkol kay San Nicolas. Isang bangka na may lulang Tsino ang biglang sinalakay ng buwaya. Sumigaw ang Tsino ng pangalan ni San Nicolas at naging bato ang buwaya.
Tulad pala ng mga kabataan ngayon, mahilig ding magkwentuhan ng mga alamat ang kanunununuan natin.