Si Maria Cristina ay anak ng isang mangingisda sa Romblon. Tuwing tag-ulan ay tumutulong si Cristina sa pagtatanim sa kanilang maliit na lupain. Mahirap lamang sila ngunit ang kanilang kaligayahang mag-anak ay ganap.
Isang araw ang kanilang bayan ay sinalakay ng mga tauhan ni Datu Talim. Tumakas ang mga tao papuntang bundok. Bata pa noon si Maria Cristina at hindi pansin ang kaguluhang nangyayari. Patuloy siya sa paglalaro nang damputin siya ng mga tauhan ni Datum Talim. Nanlaban ang ama ni Maria Cristina ngunit siya-ay napatay din.
Ang batang si Cristina ay inialay kay Datu Talim na labis namang kinagiliwan nito dahil sa kagandahang taglay. Minahal ng labis ng datu si Cristina at tinoring parang isang tunay na anak. Lumaking napakaganda ni Cristina kaya lalong nakilala si Datu Talim. Marami ang nagkagusto sa dalaga.
Isang binata na nagngangalang Prinsipe San-i ang sa mga masugid na manliligaw ni Maria Cristina. ito ay makisig may matipunong pangangatawan at tunay na dugong maharlika. Sa madaling sabi ang binatang ito ang nakabihag ng puso ni Maria Cristina. Namanhikan ang ama ni Prinsipe San-i na isang Sultan ng Sulu at itinakda ang isang malaking kasalan.
Habang abala sa pagtatakda ng kasal ang magkabilang partido ang dalawang magkasintahan ay nagkikita sa batis na may malalaking bato. Nagbabalak sila ng magagandang bagay para sa kanilang kinabukasan.
Ngunit lingid sa kanila ay may isang dalagang mangkukulam na naninibugho kay Maria Cristina. Isiniumpa niyang hindi-hindi matutuloy ang kasal ng dalawa.
Dalawang gabi bago pa ang itinakdang kasal naalaala ni Maria ang kanyan ina na matagal na niyang hindi nakikita. Nagtungo siya sa batuhan sa may batis sa tagpuan nila ni San-i. Doon nag-iiyak si Maria sa labis na pag-aalala sa kanyang ina. May pangako sa kanya si San-i na tutungo sila sa Romblon para dalawin ang kanyang ina sa oras na matapos lamang ang kasal. Ipinikit niya ang kanyang mata at pinaglaro sa kanyang diwa ang mga ala-alang kapiling pa niya ang kanyang ama at ina noong siya ay isang musmos pa lamang.
Nasa ganitong kalagayan si Maria nang dumating ang pangit na dalagang mangkukulam buhat sa kanyang likuran. Akala ni Maria ay ito na ang kanyang kasintahan ngunit laking gulat niya nang isang pangit na babae ang kanyang namulatan.
"Alam mo, si San-i ay akin. Hindi matutuloy ang inyong kasal. Sige ipagpatuloy mo ang pagluha mo," sabi ng mangkukulam.
Lalo lamang lumuha si Cristina dahil sa kabila pala kanyang kaligayahan sapiling ni San-i ay may isang pusong nagngingitngit. "Sa araw ng inyong kasal, si San-i ay hindi mo na makikita. Siya ay inagaw mo lamang sa akin. Sige...ipagpatuloy mo ang pagluha, bago sumapit ang kasal mo, ikaw ay magiging isang bundok. Ang luha mo ay dadaloy sa bayan patungo sa dagat," galit na pagbabanta ng mangkukulam.
Sumapit ang araw ng kasal at labis na pagtataka ng lahat ay hindi sumipot si Maria Cristina. At lalo pasilang namangha nang isang bundok na lumuluha ang kanilang nakita. Umilig ito sa bayan at nagkaroon ng ilog. "Nasaan si Cristina, paano na ang kanilang kasal?" tanong ng mga tao.
"Ha ha ha! Ang natatanaw ninyong lumuluhang bundok ay walang iba't si Maria Cristina. Ang daloy na kanyang luha ay magpapatuloy sa bayan at magiging ilog na daluyan sa Iligan," ang sabi ng mangkukulam.
Mula noon ay hindi na nakita pa ang pangit na mangkukulam. Ang bundok na lumuluha ay tinawag na Maria Cristina sa bayan ng Iligan.