Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas

Monday, 7 August 2017

Alamat ng Ampalaya

Alamat Ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.





Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.


Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.

Alamat ng Pilipinas


NOONG unang panahon ay wala pang buahay sa daigdig. Walang mga tao, walang mga halaman, walang mga puno, walang tubig, walang bundok, walang papawirin at wala ring mga hayop.
Dahil walang nakikita at walang makausap ay naging malungkutin si Haring Pinagmulaan. Ibig niyang maaliw ngunit wala namang mapaglibangan. Sa gayon ay ginugol niya ang maraming oras sa pag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin. Hanggang bigla siyang mapangiti. May naisip kasi siyang paraan kung paano sasaya.

Nang oras ding iyon ay nilalang niya ang daigidg.
Pansamantala ay nalibang si Haring Pinagmulan. Pero hindi naging pangmatagalan ang kasiyahang iyon. Damang-dama parin niya ang lungkot dahil sa pag-iisa.
Napaiyak si Haring Pinagmulan dahil sa tindi ng lungkot. Pumatak ang dalawang patak ng kanyang luha sa papawirin.

Ang dalawang patak ng luha ay naging mga ibon. Napangiti si haring Pinagmulan habang pinagmamas-dan ang mga ibon sa paglipad.
Walang tigil sa paglipad ang mga ibon kahit pagod na pagod. Wala kasi silang madapuan.
Naawa si Haring Pinagmulan sa mga ibon. Naisip niyang likhain ang lupa at ang gubat upang makapagpahinga ang mga ito.





Nang makakita ng mga kaka-yuhan ay dumapo sa mga ito ang dalawang ibon. Makaraang maka-bawi ng lakas ay muling lumipad ang mga ito.
Walang tigil sa paglipad ang mga ibon. Nais nilang malaman ang lawak ng kalupaang kinaroroonan.
Minsan ay napansin nilang ang isang kawayanan. Dumapo dito ang dalawa. Nagtaka sila nang makarinig ng mga tinig mula sa loob ng malaking biyas.
Tinuktok nang tinuktok ng dalawang ibon ang biyas. Napagod sila sa katutuktok pero hindi tumigil hanggang sa mabiyak iyon.

Mula sa malaking biyas ng kawayan ay lumabas si Silalak, ang unang lalaki.
Nakarinig muli ng tinig mula sa isa pang malaking biyas ng kawayan ang mga ibon.
Tinuktok nila ito nang tinuktok. Nang mabiyak ang kawayan ay isang namang napakagandang nilikha ang lumabas. Siya si Sibabay, ang unang babae.

Sina Silalak at Sibabay ang pinagmulan ng ating lahi. At ang Pilipinas ang pulo kung saan sumihol ang pinagmulan nilang mga biyas ng kawayan.