Buhat sa isang babae na ang tawag ay Maria Cuina - Bago pa raw dumating ang mga Kastila sa Mariquina, isang maganda, mabait at matalinong babae ang naninirahan sa bayan. Dahil sa kakayahan niya sa negosyo, ang buhay niya ay umunlad. Ginamit niya ang kanyang pera sa kawanggawa. Naging tanyag siya dito hanggang sa Maynila. Sa tuwing dadalaw ang ibang tao mula sa ibang bayan at magtatanong ng pangalan ng ating bayan, sinasagot sila na ang pangalan ay Maria Cuina, sa pag-aakalang tinatanong ang kanilang pinagpipitagang babae. Mula noon, ang bayan ay nakilalang Mariquina.
Buhat sa salitang Marikit-Na - Noong panahon na ginagawa ang bisita sa Jesus dela Peña sa pamamahala nga mga paring Hesuitas at ang mga trabahador ay mga Pilipino. Kastila ang salita ng mga pari noon at Tagalog naman sa mga manggagawa, dahilan ng madalas na hindi pagkakaintindihan. Nang matapos ang kapilya ay tinanong ng pari kung ano ang itatawag sa lugar na iyon, dali daling sumagot ang isang manggagawa ng "marikit-na-po," sa pag-aakalang tinatanong ang kalagayan ng kapailya. Mula noon, ang lugar na iyon ay tinawag na Marikina.
Buhat sa isang bayan sa Espanya na ang pangalan ay Mariquina - Sa probinsiya ng Nueva Viscaya sa Espanya ay may isang bayan na ang pangalan ay Mariquina, na pinangalanan sa karangalan ng isang Eduardo de Mariquina, isang bantog na musikero noon. Ang bayan ng Mariquina sa Espanya ay nasa tabing ilog ng Charmaga na siyang pinanggalingan ng mga paring Hesuita na naparito sa Pilipinas at siyang nagtatag ng kapilya sa Jesus dela Peña. Dahil dito, pinalalagay ang Mariquina sa bayan upang parangalan ang kanilang pinanggalingan bayan sa Espanya. Noong 1901, pinalitan ni Komisyonado Pardo de Tavera ang letrang "Q" ng letrang "K" kaya naging Marikina.
Batay sa kasaysayan at dokumento na nasa pag-iingat ng pamahalaang bayan ng Marikina, ang bayan ay unang tinawag na Marikit-na noong 1787 at di naglaon ay ginawang Mariquina. Ayon kay Dr. Trinidad Pardo de Tavera, ang Mariquina ay para sa karangalan ni Kapitan Berenguer de Mariquina na siyang namumuno sa ating bayan noong 1788.
(Reference used: Marikina 1630)
boi
ReplyDelete