Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas: Ang Alamat ng Mansanas

Saturday, 22 February 2020

Ang Alamat ng Mansanas

Sa isang bayan ng Antipolo, nakatira ang isang batang palaging nagagalit. Ang pangalan niya ay, Mina. Kasama niya ang tatay niya na si Mang Alfredo sa isang kubo. Si Mina ay may isang matalik na kaibigan na ang pangalan ay Maurice.

Isang araw si Mina at si Maurice ay naglalaro ng takbuhan ng biglang nabanga ni Maurice si Mina. Nagalit si Mina at pinalo si Maurice. Umiyak at umuwi si Maurice. Nakita ni Mang Alfredo si Mina na pinalo niya si Maurice. Tinawag at pinagalitan siya. Sumigaw at nagalit si Mina sa kaniyang tatay. Umakyat si Mina sa taas at natulog. Napanaginipan niya na natapakan niya ang isang maliit na buto at naging kulay pula. Bigla siyang tinawag ng kaniyang ama upang kumain. Natulog nalang si Mina at binaliwala ang tatay niya. "Gabi na at hindi pa kumakain si Mina." sabi ng tatay. "Hayaan ko na lang siya magluto," at natulog na si Mang Alfredo.

Makalipas ang ilang minuto, nagutom at lumabas si Mina at tinawag niya ang ama upang magluto. Gumising si Mang Alfredo at bumaba papunta sa kusina. Sinabi ni Mang Alfredo na inaantok na siya at si Mina na lang ang mag luto. Nagalit ulit si Mina at naging pula ang mukha. "Mina, kapag ikaw ay palaging nagagalit ang iyong mukha ay nagiging pula. Sa kalaunan ang iyong buong katawan ay magiging pula na rin." ang sabi ni Mang Alfredo.





Lumabas si Mina at nagtampo dahil ayaw niya na pinagsasabihan siya. Hindi niya alam na habang tumatakbo siya ay nakatapak siya ng isang mahiwagang buto. Narinig ng buto ang sinabi ng tatay at naging isang matamis na prutas si Mina. Ang tawag sa prutas na ito ay mansanas. Galing sa buo niyang pangalang Mina Sasmundo.

Umaga na at hinahanap ni Mang Alfredo si Mina ng biglang nakita niya ang mansanas. Naalala niya ang anak dahil sa kulay pula niyang kulay. Kinagatan niya ito at matamis ang loob gaya ng pagmamahal ni Mina sa tatay niya. Nasaan si Mina? Siya ay nasa isang malayong lugar. Doon niya matututunan ang pagmamahalan at kasiyahan.

No comments:

Post a Comment