Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas

Monday, 10 March 2025

Ang Alamat ng Lahing Tagalog

Noong araw ay may dalagang nagngangalang Simang.  Napakaganda niya kaya’t maraming binatang nangingibig sa kanya.  Halos wala na siyang itulak-kabigin sa mga ito.

Isang araw ay nagpasya si Simang:

"Sinuman sa inyo ang makapagdala sa akin ng isang malaki at buhay na sawa ay pakakasalan ko.  Hindi agad nakasagot ang mga binata.  "Sawa? Mahirap humuli ng isang sawa".

Sa wakas ay tumayo ang binatang si Ilog.

"Mahal kong Simang", sabi niya.  "Ang lahat ay gagawin ko para sa iyo".

Humanga ang lahat sa salitang binitiwan ni Ilog.  Nang tumayo at umalis ang binata, ni isa man ay walang nagkalakas ng loob na sumunod.

Matagal na panahon ang nagdaan.  Sabik ang lahat na malaman kung ano na ang nangyari kay Ilog.  Kakaba-kaba rin si Simang.  "Huwag po sanang mapahamak si Ilog", bulong niya sa sarili.  Iyon pala’y mahal na mahal na rin ni Simang ang binata.

Naghiyawan sa saya ang lahat ng bumalik si Ilog.  Hawak niya sa isang kamay ang ulo ng nagpupumiglas na sawa habang ang isang kamay ay pumipigil sa buntot nito.  Nagpalakpakan ang mga tao.

"Mabuhay si Ilog! Mabuhay!"

Dinala ni Ilog ang sawa kay Simang.  "Para sa iyo, mahal ko", wika niya.

Noon naman ay dalawang sundalong Espanyol ang dumating.  Napansin nila ang kaguluhan.  Lumapit sila upang mag-usyoso.  Ngunit hindi nila napansin ang pinagkakaguluhang sawa na hawak ni Ilog.  Ang napansin nila’y ang kagandahan ni Simang.

Lumapit pa ang mga dayuhan kay Simang.  Itinanong nila sa dalaga ang pangalan ng lugar na iyon.

Ngunit hindi sila napansin ni Simang dahil sa buong paghanga itong nakatingin kay Ilog.

Itinaas ni Ilog ang ulo ng sawa saka binitiwan ng isang kamay ang buntot nito.  Biglang nilingkis ng sawa si Ilog.

"Eeeek!" sigaw ni Simang.  "Ilog! Tagain mo!"  Hinugot ni Ilog ang itak sa kanyang baywang at tinaga ang sawa.  Naputol kaagad ang buntot ng sawa.  Tumalsik ang masaganang dugo, ngunit tila buhay na gumagalaw-galaw pa ito.

"Eeeek!" muling sigaw ni Simang.  "Taga, Ilog! Taga, Ilog!"

Sa kabila ng kaguluhang naganap, hindi naalis ang pagkatitig ng mga Espanyol sa dalaga.  Muli, tinanong nila si Simang.

Sumigaw si Simang,  "Taga, Ilog! Taga, Ilog!"


At yung ang pinagmulan ng lahing tagalog.

Alamat ng Malapad na Bato


Noong unang panahon, sa isang bayang malapit sa ilog Pasig, may isang malaking bato na kilala bilang Malapad-na-Bato. Ang batong ito ay natatangi dahil sa laki at lapad nito. Maraming mga tao ang naniniwala na ito’y pinamumugaran ng mga espiritu at anito.


Ayon sa alamat, may isang matapang na mandirigma na nagngangalang Lakandula. Si Lakandula ay kilala sa kanyang tapang at kagitingan. Isang araw, nagpasya siyang maglakbay upang makita ang Malapad-na-Bato at malaman kung ano ang misteryo sa likod ng kakaibang bato na ito.


Sa kanyang pagdating, nakita niya ang mga tao na nag-aalay ng pagkain at bulaklak sa Malapad-na-Bato. Sabi ng mga tao, ito raw ay para sa mga espiritu na naninirahan sa bato upang hindi sila magalit at magdala ng kapahamakan sa kanilang bayan.


Ngunit si Lakandula ay hindi natakot. Sa halip, lumapit siya sa bato at humarap dito nang buong tapang. Sinabi niya, "Kung tunay ngang may mga espiritu sa batong ito, ipakita ninyo ang inyong sarili at ipakita ang inyong kapangyarihan!"


Walang anu-ano’y biglang nagdilim ang kalangitan at kumulog nang malakas. Isang malaking alon ang bumangga sa Malapad-na-Bato at mula dito, lumabas ang isang matandang lalaki. Ang matandang lalaki ay may mahabang balbas at puting damit.


"Salamat, Lakandula", sabi ng matanda. "Matagal na kaming naipit sa batong ito. Kami’y mga espiritu ng kalikasan na pinarusahan ng mga diyos dahil sa aming paglabag sa kanilang mga utos. Sa pamamagitan ng iyong tapang, nabigyan kami ng pagkakataon na makalaya".


Nagpasalamat ang mga espiritu kay Lakandula at bilang gantimpala, binigyan siya ng matandang lalaki ng isang mahiwagang anting-anting na magbibigay sa kanya ng lakas at proteksyon. Mula noon, ang Malapad-na-Bato ay naging isang simbolo ng tapang at paglaya.


Ang mga tao sa bayan ay nagpatuloy sa kanilang buhay nang may bagong pag-asa at paggalang sa kalikasan. Ang Malapad-na-Bato ay naging isang bantayog ng kanilang bayan, isang paalala na sa kabila ng mga pagsubok, ang tapang at pananampalataya ay magdadala ng kalayaan at kasaganaan.


Alamat ng Malapad-na-Bato

Thursday, 4 January 2024

Alamat ng Langgam



Sa isang malayong bayan ay may isang mag-anak na sobrang sipag. Mula ama hanggang sa ina at mga anak ay makikitang nagtatrabaho na sila pagsikat pa lang ng araw. Marami ang naiinggit sa samahan ng mag-anak dahil lahat ay nagtutulungan.

Ang kasipagan ng lahat ng miyembro ang dahilang kung kaya naman kapansin-pansin ang tuwina ay masagana nilang ani.

Sa kabila ng masaganang buhay ay hindi kinakitaan ng pagod ang mag-anak. Habang gumaganda ang kanilang kabuhayan ay lalo silang sumisipag.

"Sila ang gayahin ninyo para kayo umunlad," madalas ay payo ng matatanda sa iba.

Nagkaroon ng tag-gutom sa nasabing bayan. Pininsala ng labis na baha ang mga pananim. Karamihan sa mga taga-roon ay hindi nakapag-ipon ng makakain dahil nakuntento na lagi silang makapagtatanim.

Mabuti na lang at mabuti ang loob ng masisipag na mag-anak. Hinati nila sa mga kababayan ang mga pagkaing inipon nila.

"Walang masama na maging handa tayo sa mga panahong hindi inaasahan," anang ama ng pamilya. "Maging aral sana sa lahat ang pangyayaring ito."

"Napakayabang mo naman," wika ng isang lalaki na minasama ang narinig. "Nakapagbigay ka lang ng kaunti ay ang dami mong sinabi."

Wala naman akong intensyong masama. Ibig ko lang pare-pareho tayong maging handa sa panahon ng pagsubok,"

"Ang sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan naming umasa sa inyo!" diin ng lalaki.

Natigil lamang ang diskusyon nang mamagitan ang isang matanda. Sinabi nito na mas kailangan nila ang magkasundo kaysa mag-away.

Hindi inakala ng lahat na magbubunga iyon ng trahedya. Nainsulto ang lalaki na dahil makitid ang isip ay binalak gumanti. Isang gabi ay sinunog nito ang bahay ng pamilya na humantong sa kamatayan ng mag-anak.

Nagluksa ang buong bayan.

Nanghinayang sila sa pagkawala ng pamilyang nagbukas sa isip nila sa halaga ng kasipagan.

Ilang buwan makaraang mailibing ang mag-anak, dalawang matanda ang dumalaw sa nasunog na bahay.

Agad ay napansin nilang ang isang grupo ng maliliit na insektong namamahay sa isang bahagi ng bakuran. Nakalinya ang mga ito at bawat isa ay may dalang butil na iniipon sa tirahan nila.

Nagkatinginan ang dalawang matanda. Alam nilang ang mga insektong iyon ay ang masisipag na mag-anak. Tinawag nila itong mga langgam.

Wednesday, 29 March 2023

Alamat ng Luha

 


Naging usap-usapan si Luwalhati sa Baryo Asisto dahil sa madalas niyang pagpunta sa gitna ng dagat. Tuwing alas-kwatro kasi ng hapon ay naglalayag ito tangay ang lampara at munting kuwaderno. Sa gitna ng dagat kasi nakakapag-isip ng malaya si Luwalhati, hindi lamang ito lubos na maunawaan ng mga tao sa Baryo Asisto. Noong panahon ni Luwalhati ay hindi karaniwan ang lungkot o pighati. Halos araw-araw ay ipinagdiriwang ng mga tao ang biyaya ng masaganang pangingisda at ani. Sa pamumuno ni Apo Silverio, naging matiwasay at masaya ang pamumuhay ng mga taga Baryo Asisto. Ang tanging emosyon na nananalaytay sa puso ng tao ay tuwa at ligaya, wala nang iba. 

May limang buwan na din ang nakalipas ng mamaalam ang kasintahan ni Luwalhati na si Ibarro. Ang kanyang pagkamatay ay ikinagulat ng nakararami dahil ito ay nagpakalunod sa hindi malamang dahilan. Pumunta na lamang ito papalayo sa baybaying dagat hanggang sa hindi na siya matanaw. Naganap ito sa kasagsagan ng pagtulog ni Luwalhati. Sa kabila ng nangyari, nanatili pa ding masaya ang mga tao doon, maging si Luwalhati. Magmula noon ay walang pinalampas na pagkakataon si Luwalhati upang bisitahin ang dagat. Sa gitna ng dagat at binubuklat niya ang kuwadernong nangungulubot ang mga pahina. Kahit mabigat sa loob ang nangyari ay mas maigting na pag-ibig at hindi dalamhati ang naramdaman ni Luwalhati para sa kasintahan.

“Luwalhati! Magdidilim na, pumarini ka na at baka mahamogan ka diyan!” Sigaw ni Apo Silverio.

“Saglit na lamang po Apo!” Bago lamunin ng dilim ang kalangitan ay nagpasiya na si Luwalhating bumalik sa bahay.

“May lumalabas pa din ba?” Tanong ni Apo pagpasok ni Luwalhati sa bahay.

“Hindi na po kasing dami tulad ng dati.” Sagot ni Luwalhati.

“Hala, bukas ay kabilugan ng buwan, nawa’y matigil na iyang sakit mo.”

Sabay sa kabilugan ng buwan ay ang pista ni San Isidro. Bagamat katatapos pa lamang ng pista noong isang araw ay hindi ito naging hadlang upang magdiwang ang mga taga Baryo Asisto sa pista ni San Isidro. Lahat ng tahanan ay naghanda ng masaganang putahe maliban kina Apo Siverio.

“Itay, kayo po ang namumuno dito sa lugar, bakit po hindi tayo maghanda?” Tanong ni Luwalhati.

“Hindi pa panahon Luwalhati. Kailangang mawala muna iyang sakit mo bago kita maiharap sa tao.”

“Kasi po…si Ibarro…”

“Alam kong mahal mo ang binatilyo, subalit hindi tama ang ginagawa niya sa iyo!”

“Itay, patay na po si…”

“Putragis na patay iyan!”

“Pero itay, nagmamahalan po kami.”

“Hindi iyan maaari sa pamamahay ko! Papaalisin ko iyang patay mong nobyo sa katawan mo!”

Nagsimula nang dumaloy ang tubig mula sa mata ni Luwalhati, pababa sa pisngi, hanggang sa pumatak ito sa sahig. Hindi alam ng mag-ama na nakasilip pala mula sa bintanang anahaw ang tsimosang si Ferri.

“Mga kabaryo!!! Ang anak ng Apo, may sakit! Pagmasdan ninyo! Dali!”

Hindi naglaon ay dinumog na ng halos buong Baryo ang bahay ni Apo. Hindi nagawang pigilin ng matandang katawan ni Apo ang pagsalakay ng mahigit limampung katao. Pinalibutan ng mga tao si Luwalhati at pinagmasdang mabuti.

“Ano iyang nasa mata mo ineng?” Usisa ni Sese.

“Pinaparusahan na tayo ng mga diyos! Kasalanan ito ng baliw mong nobyo Luwalhati!” Sigaw ng matanda mula sa likuran.

“Hindi dapat siya nagpakamatay! Hindi na siya nahiya sa mga diyos natin! Walang utang na loob iyang si Ibarro, wala!” Banat ni Mang Apet.

Ngayon ay lalong dumami ang tubig na dumadaloy mula sa mata ni Luwalhati. Napaatras ang mga tao sa paligid niya maging ang amang si Apo. Pilit tinatakpan ni Luwalhati ang kaniyang tenga upang hindi marinig ni Ibarro ang mga sinasabi ng mga tao.

“Huwag kang makinig Ibarro, hindi totoo ang mga sinasabi nila…” bulong ng kawawang dalaga sa sarili.

“Anong ibinubulong mo sa iyong sarili bata?! Nasisiraan ka na yata ng bait!”, sigaw ng isang ale.“Apo, anong nangyayari sa anak mo?”

“Magsipagtigil kayong lahat! Mahal ko si Ibarro. Si Ibarro at ako ay iisa! Kaming dalawa ay nagmamahalan! Wala akong sakit! Maniwala kayo!” depensa ng dalagang si Luwalhati na ngayo’y hindi na mapigilan ang pagdaloy ng tubig mula sa mata. Unti-unti na ngang nanghina ang dalaga hangga’t sa ito ay malagutan ng hininga sa harap ng madla. Nilapitan ni Apo ang bangkay ng anak at niykap ito ng mahigpit.

“Ito marahil ang kabayaran ng pag-ibig ng aking anak sa isang patay. Tubig mula sa dagat ang dumadaloy sa mata ng aking si Luwalhati. Si Ibarro, at ang aking anak ay naging isa noong araw na siya’y magpaalam. Wagas ang kanilang pagmamahalan, hindi ito sumpa. Ito ay himala!”

Binuhat ni Apo ang bangkay ng anak at dinala ito papunta sa dagat. Pinagmasdan ng mga tao ang pagdaloy din ng tubig mula sa mga mata ni Apo.

“Luwalhati! Luwalhati!” Sigaw ng ama habang papalalim ng palalim ang tubig sa dagat. Mas tumindi ang pag-alon ng dagat pagsapit ng alas-kwatro ng hapon. Subalit hindi ito naging balakid kay Apo Silverio sa paghatid sa kanyang anak sa huli nitong hantungan.

“Luwalha…..…Luwalhati……lu……hati…”

Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay bumalik na sa dati ang pag-alon ng dagat. Hanggang sa kasalukuyan ay dala ng sanlibutan ang himala ng pag-iibigang Ibarro at Luwalhati.

Friday, 28 October 2022

Audio Story Telling - Alamat Kung Bakit Sa Gabi Lumilipad Ang Paniki

 


Kung Bakit sa Gabi Lumilipad ang Paniki

Dati raw, mahigpit na magkagalit ang mga ibon at mga hayop na nakatira sa lupa. Mabangis silang pare-pareho at kapag nakikita ang isa sa mga kaaway ay pinagtutulungan.

Sa kabilang dako, ang paniki ay isang hayop na mahiyain at hindi sumasali sa awayan. Iniiwasan niya ang ibon at pati ang mga hayop na nakatira sa lupa. Ngunit isang umaga hindi nya naiwasan ang isang leon. Sa pamamasyal niya sa malapit sa kweba, biglang may lumabas na leon.

Akma na siyang papatayin nang nagsalita siya. "Huwag! Huwag mo akong patayin. Hindi mo ako kaaway. Ako'y tulad mo. Tingnan mo, pareho mo akong dalawa ang taynga at isa ang nguso."

Tiningnang mabuti ng leon ang paniki, at tunay nga, may taynga at ngusong katulad niya. "Sige, umalis kana. Pag nakakita ka ng ibon, tawagin mo ako," bilin nya sa paniki.

Isang hapon, nasalubong naman ng ibon ang agila. Hinawakan siya nito ng malalaking kuko. "Huwag mo akong saktan,"  iyak nya. "Ako'y ibong tulad mo. Masdan mo't may pakpak rin ako."

"Ah.." sabi ng agila. "Isa ka rin palang ibon. May pakpak at nakalilipad. Magkakampi pala tayo."

At mula noon, takot na ang paniki na lumabas nang maliwanag pa. Baka kasi may makasalubong siyang hayop sa lupa , o di kaya ay ibong lumilipad. Lagi na lamang sa gabi siya lumalabas sa kanyang pinananatilihang lugar.

At iyon ang dahilan kung bakit sa gabi lumilipad ang paniki.

Thursday, 27 October 2022

Alamat ng Sierra Madre - The Myth of Sierra Madre



The myth of Sierra Madre is the story of Luzon.


Millennia ago, giants ruled the world and in what is now Luzon is the family of Lusong, the warrior father, and Sierra, the mother. They had two sons, lloco and Tagalo.


They lived a tranquil life, but as stories go, trouble was brewing.


Bugsong Hangin is the King of Easterlies and he was still sore over Sierra choosing Lusong over him.


In his jealousy, he would make the sea attack the land and his breath would uproot trees and crumble the mountains.


He wouldn’t stop until he killed Lusong, which he eventually did. In his dying breath, Lusong asked Sierra to protect their sons.


Sierra did this by lying on the coastline with her back to the ocean. Every time Bugsong Hangin would attack, Sierra’s body would repulse him and Iloco and Tagalo flourished since then.

Wednesday, 12 October 2022

Audio Story Telling - Ang Alamat ng Kwago

 

Audio Story Telling - Ang Alamat ng Kwago


Ang Alamat ng Kwago

Si Tandang Kadyong, hari ng karamutan ay nag-iisang naninirahan sa gitna ng bakurang puno ng halaman. Madalas ay hitik ng bunga ang kanyang puno ngunit walang maaaring humingi dito dahil ubod ng damot ang matanda.

"Ipinagbibili ang mga bunga dito, hindi ipinamimigay." Iyan lagi ang sabi ni Tandang Kadyong kapag may nagkamaling humingi.

Isang umaga, may isang matandang babae na hindi taga-nayon na naligaw doon. Habang naglalakad siya ay napadako sa may harapan ng bahay ni Tandang Kadyong. Nagkataong nakakaramdam narin ang babae ng gutom at pagod dahil sa mahabang paglalakad.

"Kay dami ng bunga ng bayabas! Mura lang naman ito, palagay ko'y maaari akong humingi ng kahit isa o dalawa sa may-ari."

"Hindi! Hindi ipinamimigay ito. Bukas lang ay darating na ang suki kong tagabayan at bibilhing lahat ang mga bayabas na ito."

"Kahit na sana isa lamang." pakiusap ng babae

"Sinabing hindi! Wala! Pinaghirapan ko iyan at hindi ko ipinamimigay sa iba." Sabay talikod ang lalaki at umakyat na sa kanyang bahay.

Noon na ang huling pagkakita ng mga tao kay Tandang Kadyong.

Pagkaraan ng ilang araw ng pagtataka dahil sa walang nakakakita sa matanda, sinubukan ng isang bata na pumitas ng nakalawit na bayabas. Walang nagalit.

Binuksan nila ang pinto ng bahay. Biglang lumipad na palabas ang isang ibon. Napansin ng mga bata na malalaki ang mata at tila naghahanap o di kaya ay nagbabantay.

"Anong ibon iyon?" Tanong nila.

"Kamukha ni Tandang Kadyong."

Naging Kuwago nga si Kadyong ngunit hanggang ngayon ay binabantayan parin ang mga bunga na ipinagmamaramot niya.

At iyon ang alamat ng Kuwago.


Tuesday, 11 October 2022

Story Telling Audio - Ang Alamat ng Paru Paro

 Story Telling Audio - Ang Alamat ng Paru Paro



Ang Alamat ng Paru paro

Magkapatid sina Rona at Lisa ngunit magkaibang-magkaiba ang ugali nila. Masipag si Rona ngunit si Lisa ay walang inaatupag kundi ang magpaganda.

Habang naglilinis ng bahay, nagluluto o naglalaba si Rona, si Lisa ay nasa harap ng salamin, nagsusuklay, at nag-aayos lagi ng sarili.

"Ate, tulungan mo naman ako. Ang dami kong labahing damit. Karamihan naman ay sa iyo," sabi ni Rona sa kapatid isang umaga.

"May gagawin pa ako. Kayang kaya mo naman iyan." Naisip ni Lisa na pipitas na siya sa hardin ng bulaklak na maipapalamuti sa kanyang buhok.

Pumunta na nga si Rona na mag-isa sa tabing ilog para maglaba.

Si Lisa ay bumaba sa kanilang hardin sa harapan ng bahay.

Habang pinipili niya kung aling bulaklak ang magandang iipit sa buhok, may matandang babae na lumapit sa tarangkahan.

"Ineng, maari mo ba akong malimusan?" samo ng matanda.

"Wala! Wala akong maililimos," pakli ni Lisa na patuloy sa paghahanap ng mailalagay sa buhok.

"Kahit na kapirasong tinapay. Ako lamang ay gutom na gutom na."

"Sinabi nang wala!" sigaw ni Lisa, sabay pagpitas sa isang bulaklak na maganda ang kulay.

Nagalit ang matanda "Hindi ka lang pala tamad, maramot ka pa at walang galang sa matanda. Gagawin kitang tulad niyang hawak mong bulaklak ngunit isang kulisap."

Engkantada pala ang matandang babae.

Nang bumalik sa bahay si Rona, hinanap niya ang kapatid.

Pumunta siya sa hardin dahil alam niyang mahilig ito sa mga bulaklak. Subalit wala si Lisa. Ang napansin ni Rona ay ang paruparong lumilipad-lipad sa ibabaw ng mga bulaklak.

 

At iyon ang alamat ng paru paro.

Monday, 26 September 2022

Alamat ng Sampung Datu ng Borneo

ANG SAMPUNG DATU Sa malayong pulo ng Borneo, ang naghaharing pinuno ay si Sultan Makatunaw. Sa ilalim ngpamumuno ni Sultan Makatunaw ay mga datu ang katulong niya sa pamumuno sa iba-ibang pook at pulo ng Borneo.

Si Sultan Makatunaw ay naging malupit at masamang sultan. Kakaiba naman ang ugali niya at asal sa mga datu. Ang mga datu ay pawang mararangal at butihing mga tao. Hindi nila naibigan ang mga gawaing masama ni Sultan Makatunaw.

Isang araw, kinausap ni Datu Puti ang iba pang mga datu tungkol sa lumalaki nilang problema sapagkat lalong nagiging masama, sakim at palagawa ng kahalayan ang malupit na sultan. Nag-usap-usap ang mga datu.

"Papayagan ba natin si Sultan Makatunaw sa kanyang masasamang Gawain? Labis na siyang makamkam sa kayamanan. Wala siyang galang sa puri ng kababaihan. Ano ang ating gagawin?" tanong ni Datu Puti sa mga kapulong na iba pang datu.

"Labanan natin siya. Huwag nating payagan ang kanyang mga kasamaan!" anang isa pang datu. 

"Ngunit kung maglalaban-laban ang mga kawal natin at mga kawal niya, maraming mga taoang mamamatay. Hindi dapat mangyari ang gayon", ang sabi ni Datu Puti.

"Alam ninyo, sa paglalakbay ko sa karagatan ay may narating akong isang pulo. Isang magandang pulo, mayaman ang lupain at mababait na mga Ati ang naninirahan. Mga Ati ang katutubong tao roon. Umalis na lamang tayo rito sa ilalim ng pamumuno ni Sultan Makatunaw. Tayo ay makipanirahan sa pulong iyon. Mababait ang mga tao roon at alam kong tayo'y kanilang tatanggapin", ang sabi ni Datu Sumakwel.

Pumayag ang ibang datu sa mungkahi ni Datu Sumakwel. Sampung datu silang nagkaisang iwan na ang pulo ng Borneo. Matagal-tagal din naman ang ginawa nilang paghahanda. Gumawa sila ng malalaking bangka na tinawag nilang balangay. Lihim silang umalis ng pulo ng Borneo. Kasama ng mga datu ang lahat ng kanilang mga pamilya at mga kamag-anak. Dala rin nila pati mga kagamitan, mga pananim, at mga hayop na gamit nila sa paggawa sa bukid. Tumagal nang mahabang panahon ang paglalakbay ng sampung malalaking bangkang balangay. Ang kanilang pinuno ay si Datu Puti.

Dumating sila sa magandang pulo na binanggit ni Datu Sumakwel. Ito ang pulo ng Aninipay ang Pulo ng Panay. Ang mga nakatira sa pulong ito ay mga Ati. Ang kanilang pinuno ay si Datu Marikudo. Mababait sila at mapagbigay.

Dumaong sa Aninipay ang sampung malalaking balangay. Nagbigay-galang kay DatuMarikudo si Datu Puti at ang kasamang mga datu. Naiwan muna sa bangka ang kanilang mga kaanak.

"Kami'y mga kaibigan mula sa Pulo ng Borneo. Kung papayag kayo, mahal na Datu Marikudo, nais naming manirahan dito sa inyong pulo", sabi ni Datu Puti.

"Sapagkat sinabi ninyong kayo'y mga kaibigan, at nakiusap kayo na makapanirahan sa aming pulo, kayo'y malugod naming tinatanggap", ang pahayag ni Datu Marikudo pagkatapos na sumangguni siya sa iba pang pinuno at mga mamamayan sa Pulo ng Aninipay.

"Maraming salamat, Datu Marikudo. Napakabait ninyo sa amin kaya mananatili tayong magkaibigan. Tanggapin ninyo ang aming handog sa inyo", sabi ni Datu Puti, at inabot ng mga datu ang isang salakot at isang batya na yari sa lantay na ginto. 

Tinanggap ni Datu Marikudo ang mga handog. Nagkaroon ng kasiyahan. Nagkaroon ng malaking piging. Nagdala ang sampung datu ng mga pagkain galing sa Borneo. Nagsaya ang lahat ang mga dumating na mga Bisaya mula sa Borneo at mga Ati na katutubong tao ng Pulo ng Aninipay.

Nanirahan sa may baybay-dagat ang mga bagong dating ngunit ang mga Ati naman aylumipat ng tirahan sa dakong loob ng pulo. Dito na sa Pulo ng Aninipay nanirahan ang pitong datu,ang kanilang mga kaanak at kasama. Samantala, ang tatlong datu na pawang binata pa ay nagpatuloysa kanilang paglalayag. Narating nila ang Look ng Batangas. Dito naman sila nakipanirahan at dito narin nagkaroon ng familya sa Pulo ng Luzon. Itong Pilipinas na ang inari nilang bayan. Namuhay silangmapayapa at matiwasay kasama ang mga katutubo. Sila ang mga Pilipino.


Patak- Tubig

Ako si Patak-TubigIsa ako sa marami, milyun-milyun ang aming bilang

Dati kaming nasa lupa o sa dahon ng halaman

Nadadala ni Hangin kapat mainit ang araw

Kapag bumigat kami, dahil sa kalamigan,

Natutunaw kami't bumabagsak bilang patak-ulan.



Buod ng Alamat ng Sampung Datu sa Borneo:

Ang Alamat ng Sampung Datu ng Borneo ay tumutukoy sa sampung pinuno ng naturang kalupaan na sinasabing nagpasiyang maglayag patungong Panay sa pagnanais na matakasan ang pagmamalupit at di makatarungang paghahari ni Datu Makatunaw sa Borneo. 

Nilisan ng mga datu, na lulan ng barangay, ang kanilang sakop kasama ang kani-kanilang mga kabiyak. Kabilang sa mga naglayag ay sina: Datu Puti (at Piangpangan), Datu Sumakwel (at Kapinangan), Datu Bangkaya (at Katurong), Datu Paiborong (at Pabilaan), Datu Paduhinogan (at Tibongsapay), Datu Dumangsol, Datu Libay, Datu Dumangsil, Datu Domalogdog, and Datu Balensuela.

Batay sa alamat, ang mga katutubong Agta, na siyang naninirahan sa kapuluan ng Panay, ay naligalig sa pagdaong ng nabanggit na sampung datu. Upang maibsan ang nadaramang takot ng mga Agta, mahinahong ipinarating ni Datu Puti kay Marikudo, pinuno ng mga katutubo, na dalisay ang kanilang hangarin. Nang lumaon, napagkasunduan ng dalawang panig na makipagkalakalan sa isa't isa, sampu ng kanilang nasasakupan. Inanyayahan ni Marikudo ang sampung datu sa isang piging, at dito'y hiniling ng mga datu na makamtan ang kapatagn ng Panay kapalit ng isang gintong salakot na ibibigay nila sa mga katutubo; maluwag namang nagpaunlak ang hiningan. Simula nito'y nagkaroon na ng mabuting samahan ang mga datu at ang mga Agta.

Hindi nagtagal, namundok rin ang mga Agta sapagkat kanilang napuna na lubhang malawak para sa kanila ang kapatagan, kaya naman naiwan dito ang mga datu at pinaghatian ang kalupaan sa tatlo— Aklan, Irong Irong, at Hamitik. 

Ang bawat  tao ay hndi kinakailangan mag away, pagkakasundo at mabuting pag uusap lamang ang kailangan upang m,atugunan ang bawat pangangailangan at masolusyunan ang bawat problema. 

Walang gulo, walang giyera, tahimik na pamumuhay...


Sa loob ng mahabang panahon, ang alamat na ito ay kinilala ng mga lokal na mamamayan ng Panay bilang bahagi ng kanilang kasaysayan - isang matibay at matatag na patunay ng pagkakabuo ng kanilang lipunan at lahi. Subalit batay sa pagsusuri ng mga dalubhasa, ang naturang salaysay ay wala sa katuwiran at itinuturing na peke o huwad.

Wednesday, 28 April 2021

Alamat ng Pechay or Petsay

Sa isang nayon sa Bungahan ay may mag-anak na naninirahan na ubod ng ingay. Maraming mga puno at halaman sa lugar na iyon. Madalas na inuutusan ng nanay ang kanyang mga anak na sina Fe at Chai na mamitas ng mga bunga ng puno at halaman. Pilyo ang magkapatid kaya madalas mapagalitan at nasisigawan ng kanilang ina.


Isang araw inutusan sila ng kanilang ina na manguha ng mga bunga sa kakahuyan. Masayang-masaya at patakbo-takbo sina Fe at Chai papuntang kakahuyan ngunit sa halip na manguha ng bunga ay panay laro lamang ang ginawa. Namahinga sila sandali sa maliit na kubo. Matapos mamahinga ay naghabulan ulit ang dalawa, nakakita sila ng maliit na kweba. 


Pumasok sila upang maglaro. Sa kasamaang palad hindi na nakalabas ang dalawang bata. Labis na nag-alala ang kanilang ama at ina dahil madilim na ay wala pa ang kanilang mga anak.


“Tay, gabi na ay wala pa sina Fe at Chai nasaan na kaya sila?” Wika ng ina.


“Baka naman pauwi na sila, alam mo naman ang mga iyon kapag inutusan mo ay may kasamang laro kaya matagal.” Wika naman ng ama.


Naidlip na ang mag-asawa ngunit paggising nila ay wala pa rin ang magkapatid.


“Tay, bukas na bukas pagbukang-liwayway ay hanapin mo sila sa kakahuyan.” Ang nag-aalalang tinig ng ina.


“Oo sige mabuti pa maghapunan na tayo at baka nakatulog na sina Fe at Chai roon sa ating kubo sa kakahuyan.” Wika ng ama.


Kinaumagahan ay hinanap ng kanilang ama ang magkapatid habang abala naman ang ina sa pagdidilig ng mga tanim na gulay.


“Nalibot ko na ang buong kakahuyan at kubo natin pero wala roon sina Fe at Chai.” Ang malungkot na wika ng ama.


Napaiyak na lamang ang mag-asawa sa pagkawala ng kanilang mga anak.


Lumipas ang maraming araw ngunit tahimik sapagkat walang pinagagalitan o sinisigawan ang mag-asawa. Bakas ang lungkot sa mukha ng mag-asawa at pagkasabik sa mga anak. Habang nagdidilig ng mga tanim na gulay may napansin ang ina na kakaibang gulay na tumubo sa kanilang taniman. Animo’y mga batang paslit ng biglang lumilitaw. 


“Tay, tingnan mo may mga kakaibang gulay dito sa ating taniman.” Nagmamadaling wika ng ina.


“Oo nga biglang dumami at nagsulputan ang mga iyan, naalala ko sina Fe at Chai na bigla na lamang sumusulpot.” Wika ng ama.


“Ano kaya ang tawag sa gulay na ito?” Tanong ng ina.


“Tawagin natin itong PETSAY bilang alaala sa ating mga anak na sina Fe at Chai.” ang naiiyak na tinig ng ama.


Alamat ng Bundok Arayat

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.


Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon. Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang landas sa pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang pinaglalabhan ng engkantada.


Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan.

Ang Alamat ng Bulkang Kanlaon

Noong mga unang panahon may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Wala itong pinatatawad. Ang ulupong na ito ay may pitong ulo at ang labing-apat na butas ng ilong ay nagbubuga ng usok. Wari bang wala nang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami na siyang napapatay dahil sa pagbubuga niya ng apoy kapag siya ay nagagalit.


Kumunsulta si Haring Ma-ao sa mga pantas at isang manggagamot ang nagmungkahi na kailangang mag-alay sa ulupong ng isang magandang dalaga upang ito ay mapatigil sa pamiminsala.


Ipinaabot naman ng pari sa mamamayan ang utos na iyon. Sa takot nilang sila ang ialay, nagpinta ng mukha ang mga dalaga. Lahat sila ay pawang pumangit na.


Makalipas ang ilang buwan, bigong bumalikang pari at "Wala na pong magandang dalaga. Nasunog na ang kanilang balat at mukha nang abutin sila ng apoy na ibinubuga ng ulupong. Tanging si Prinsesa Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito," pagbabalita ng pari kay Haring Ma-ao.


Nalungkot ang Hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari. Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Ipinahayag niya sa Hari ang kanyang nasang pagtulong na puksain ang ulupong. Napangiti si Prinsesa Talisay at nawika niya sa sariling, "Salamat, ipagdarasal ko ang kanyang tagumpay at kaligtasan. Napakakisig niya."


"Matapang ka magiting na binata. "Kung mapapatay mo ang ulupong ay magiging iyo ang kalahati ng aking kayamanan at ang aking kaisa-isang anak na si Prinsesa Talisay ay ma papasaiyo," may pag hangang wika ng Hari.


Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa kanyang paglalakbay patungong bundok ay nasalubong niya ang Langgam. "Hoy, langgam, ako si Laon. Sabihin mo kay Haring Langgam na may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng sundalong langgam ay papuntahin sa bundok at papatayin natin ang namiminsalang ulupong. Ito ay para rin sa inyong kapayapaan."


Gannon din ang sinabi ni Laon kay Haring Buboyog. Haring Lawin naman ay nag wikang. "Handa kaming tumulong, Haring Khan Laon. Sabihin lamang ninyo ang aming gagawin."


Nagsisugod silang lahat sa bundok. Doon nagahap ang isang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa dami ng langgam. Kinakagat nila ang mga pagitan ng kaliskis, singit at leeg ng halimaw. Tinutusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng ulupong. Hindi nilapansin ang ibinubugang apoy ng kalaban. Patuloy sila sa kanilang pakikipaglaban.


Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa kanyang amaing si Datu Sagay. Nagpasiya si Datu Sagay na sundan si Khan Laon upang pigilan na ito sa iba pa niyang binabalak na gawin. Ipinagsisigawan naman ng taong bayan na si Prinsesa Talisay ang ialay sa ulupong kapag nabigo si Khan Laon sa labanan.


Si Datu Sagay at ang kanyang mga kawal ay nakarating sa bundok. Inabutan nilang dinudukot ng mga lawin ang mga mata ng halimaw. Lumapit si Laon at tinagpas ang mga ulo ng ulupong. Nasaksihang lahat ni Sagay ang mga ito. Nakabalik sa kaharian sina Khan Laon, mga langgam, mga bubuyog. Tuwang-tuwang ibinalita ni Datu Sagay ang kagitingan ni Khan Laon.


"Haring Ma-ao ang lahat po ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang mga kaibigan kung langgam, buboyog at lawin. Sila ay ating pangalagaan sapagkat sila, tulad natin ay nilikha rin ng Diyos. Maraming salamat sa inyong lahat mga kaibigan ko ang sabi ni Laon.


Noon din ay ibinigay ni Haring Ma-ao ang kalahating bahagi ng kanyang kayamanan at si Prinsesa Talisay ay naging asawa ni Khan Laon. Naging maligaya ang dalawa. At magmula nga noon, ang bundok na pinangyarihan ng kamatayan ng ulupong ay tinawag na Bundok Kanlaon upang bigyang karangalan ang kabayanihan ni Haring Khan Laon.

Ang Alamat ng Mindanao

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda.


Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, ngunit nabigo sa ikatlo. Ngunit may isang prinsipe ang nagaasm-asam na sumubok sa mga patakaran ng nasabing sultan. Ngunit, bago siya sumali sa palahok, matinding pag-iisip ang kanyang ginugol. Dahil sa una ay sigurado siyang magtatagumpay, ang ikalawa ay sigurado siyang mabibigo. Kaya't muling nag-iisip . Napagpasyahan niyang humiram ng mga kaing-kaing na ang mga ginto mula sa kanyang mga kaibigang mayayaman at prinsipe upang makabuo ng labintatlong tiklis ng ginto. Dahil ang ikalawang pagsubok ay kung paano mahihigitan ang kayamanan ng Sultan.


Lalong nabuhayan ng loob ang prinsipe sa mga pagkakataon na kapag nagkakatinginan sila ng prinsesa ay para na ri siyang humahanga sa kanya. DAhil di kaila ang kagandahang lalaki ng prinsipe at kakisigan. Nabatid ng prinsipe na may pagtingin din ang prinsesa.


Sinimulan n a ang unang pagsubok kay Prinsipe Lanao sa pagsasalaysay niya sa kanyang mga ninuno mula sa umpisa hanggang sa sampung henerasyon. Higit ang tuwa niya ng makapasa sa unang pagsubok sa dahilang hindi totoo ang ika-sampung henerasyon dahil ito ay may halong imbento lamang.


Agad sumunod ang ikalawang pagsubok. Tinanong ng Sultan kung gaano karami ang kanyang dalang ginto. Agad siyang sumagot na labintatlong kaing. Walang duda ang tagumpay ni Prinsipe Lanao sa ikalawang pagsubok dahil may pito lamang tiklis nag into mayroon ang Sultan.


Ang hulong pagsubok ay agad din pinabatid sa Prinsipe kung ano ang dapat na sumunod niayang gagawin pang ganap nang mapasakamay ang mayuming si Prinsesa Minda. Pagtulay sa lubid ang ikatlong pagsubok. Pagtulay sa lubid na kapag ikaw ay nahulog sa isang malalim na bangin ay sigurado ang iyong kamatayan .


Pinagpabukas pa ang huling pagsubok upang makapagpahinga ang binata. Subali't lingid sa kaalaman ng binata na kaya pala ipinagpabukas pa ay upang mapaghandaan din ng Sultan ang gagawing patibong upang ang Prinsipe ay hindi magtagumpay. Kaagad na lumisan si Prinsipe Lanao upang makapagpahinga at mapag-aralan ang kanyang plano para sa darating na pagsubok kinabukasan.


Subali't si Prinsesa Minda ay may nabalitaan na may patibong na ilalagay ang mga tauhan ng Sultan upang mahulog ang Prinsipe.Agad na pinasiyast ni Prinsesa Minda kung ano ang ilalagay na patibong. Napag-alaman ng katulong na kakabitan ng tali an gang lubid na tatawiran ng Pinsipe na siyang magiging dahilan ng pag-uga ng lubid na magiging dahilan ng pagkahulog ng Prinsipe.


Dahil sa nabatid na patibong, kaagad na tinanggal ng mga katulong ang patibong upang walang maging balakid sa pagtawid ng butihing Prinsipe. Pagdating kinaumagahan ay naganap ang pagsubok na siya namng pinagtagumpayan ng Prinsipe. Walang nagawa ang Sultan kundi tuparin ang pangakong kasalan. Nang mamana ng Prinsipe, ang pamamahala ng lugar, marami ang nasiyahan sa pamamalakad ng mag-asawa sa pulo at mula noon pinangalanan ang isla ng Mindanao na hango sa pangalang Minda at Lanao.

Ang Alamat ng Talon ng Maria Cristina

Si Datu Talim ay tanyag sa buong Magindanao hanggang sa Sulu dahil sa kagandahan ng kanyang anak na si Maria Cristina. Ngunit hindi si Datu Talim ang tunay na ama ni Maria Cristina.

Si Maria Cristina ay anak ng isang mangingisda sa Romblon. Tuwing tag-ulan ay tumutulong si Cristina sa pagtatanim sa kanilang maliit na lupain. Mahirap lamang sila ngunit ang kanilang kaligayahang mag-anak ay ganap.


Isang araw ang kanilang bayan ay sinalakay ng mga tauhan ni Datu Talim. Tumakas ang mga tao papuntang bundok. Bata pa noon si Maria Cristina at hindi pansin ang kaguluhang nangyayari. Patuloy siya sa paglalaro nang damputin siya ng mga tauhan ni Datum Talim. Nanlaban ang ama ni Maria Cristina ngunit siya-ay napatay din.


Ang batang si Cristina ay inialay kay Datu Talim na labis namang kinagiliwan nito dahil sa kagandahang taglay. Minahal ng labis ng datu si Cristina at tinoring parang isang tunay na anak. Lumaking napakaganda ni Cristina kaya lalong nakilala si Datu Talim. Marami ang nagkagusto sa dalaga.


Isang binata na nagngangalang Prinsipe San-i ang sa mga masugid na manliligaw ni Maria Cristina. ito ay makisig may matipunong pangangatawan at tunay na dugong maharlika. Sa madaling sabi ang binatang ito ang nakabihag ng puso ni Maria Cristina. Namanhikan ang ama ni Prinsipe San-i na isang Sultan ng Sulu at itinakda ang isang malaking kasalan.


Habang abala sa pagtatakda ng kasal ang magkabilang partido ang dalawang magkasintahan ay nagkikita sa batis na may malalaking bato. Nagbabalak sila ng magagandang bagay para sa kanilang kinabukasan.


Ngunit lingid sa kanila ay may isang dalagang mangkukulam na naninibugho kay Maria Cristina. Isiniumpa niyang hindi-hindi matutuloy ang kasal ng dalawa.


Dalawang gabi bago pa ang itinakdang kasal naalaala ni Maria ang kanyan ina na matagal na niyang hindi nakikita. Nagtungo siya sa batuhan sa may batis sa tagpuan nila ni San-i. Doon nag-iiyak si Maria sa labis na pag-aalala sa kanyang ina. May pangako sa kanya si San-i na tutungo sila sa Romblon para dalawin ang kanyang ina sa oras na matapos lamang ang kasal. Ipinikit niya ang kanyang mata at pinaglaro sa kanyang diwa ang mga ala-alang kapiling pa niya ang kanyang ama at ina noong siya ay isang musmos pa lamang.


Nasa ganitong kalagayan si Maria nang dumating ang pangit na dalagang mangkukulam buhat sa kanyang likuran. Akala ni Maria ay ito na ang kanyang kasintahan ngunit laking gulat niya nang isang pangit na babae ang kanyang namulatan.


"Alam mo, si San-i ay akin. Hindi matutuloy ang inyong kasal. Sige ipagpatuloy mo ang pagluha mo," sabi ng mangkukulam.

Lalo lamang lumuha si Cristina dahil sa kabila pala kanyang kaligayahan sapiling ni San-i ay may isang pusong nagngingitngit. "Sa araw ng inyong kasal, si San-i ay hindi mo na makikita. Siya ay inagaw mo lamang sa akin. Sige...ipagpatuloy mo ang pagluha, bago sumapit ang kasal mo, ikaw ay magiging isang bundok. Ang luha mo ay dadaloy sa bayan patungo sa dagat," galit na pagbabanta ng mangkukulam.


Sumapit ang araw ng kasal at labis na pagtataka ng lahat ay hindi sumipot si Maria Cristina. At lalo pasilang namangha nang isang bundok na lumuluha ang kanilang nakita. Umilig ito sa bayan at nagkaroon ng ilog. "Nasaan si Cristina, paano na ang kanilang kasal?" tanong ng mga tao.


"Ha ha ha! Ang natatanaw ninyong lumuluhang bundok ay walang iba't si Maria Cristina. Ang daloy na kanyang luha ay magpapatuloy sa bayan at magiging ilog na daluyan sa Iligan," ang sabi ng mangkukulam.


Mula noon ay hindi na nakita pa ang pangit na mangkukulam. Ang bundok na lumuluha ay tinawag na Maria Cristina sa bayan ng Iligan.


Ang Alamat ng Panay (Ang Alamat ng Iloilo)

Noong unang panahon, isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkod sa kapwa. Pinagsilbihan niyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya. 


"Salamat, napakabait mo," anang matanda. "Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya. "


"Naku,  huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito," magalang na tanggol ng binata. 


"Totoo palang napakabait mo," usal ng matanda. 


Nalaman din ng matanda na bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibay ang paghanga ng matanda sa kanya. Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda, tulad ng:


"Kung ano ang iyong itinanim ay siya mong aanihin, "

"Tulad sa halaman, ganyan din ang sa tao."

"Ang iyong kabaitan at kabutihan ay gagantimpalaan din sa ibang araw."

"Huwag tayong aasa na ang ating inilibing ay makikipaglibing din sa atin."

"Huwag tayong dudura sa langit sapagkat laway din sa iyo ay sasapit."


Mula noon ay naging malikhain ang binata. Dahil mabait at magiliwin sa mga nilalang ng Diyos, ang binata ay tinawag na Irog. Napakinabangan ni Irog ang lahat ng tinuro ng natanda. Nagawa niyang panali ang mga baging.  Nakagawa din siya ng isang bahay-kubo sa gitna ng ilog.  Nagawa rin niyang higaan ang bunton ng mga water lily. Isang gabi ay mahimbing ang tulog ni Irog. Hindi niya namalayang unti-unting umuusad ang kubo na parang itinulak ng mga isda. Nakapaligid naman sa kanya ang nga ibon na nag-aawitan. Mataas na ang araw nang magising siya kinabukasan. May mga gulay at mga prutas nang nakahain na dulot ng mga ibon. Malayo na ang kanyang narating.  Napadpad siya sa isang napakagandang batis. Ang batis ay kaakit-akit na tila isang paraiso. 


Isang umaga, may nakitang isang grupo ng mga dilag si Irog. May pakpak ang mga ito. Kasalukuyang naliligo sa batis ang mga dilag. Naakit siyang damputin ang isang pares ng mga pakpak na nakalapag sa batuhan. Matapos maligo ang mga dilag ay malungkot na naiwan ang isa. Wala kasi itong maisuot na pakpak. Hindi ito makalilipad. Iyak nang iyak ang dilag dahil iniwan na ito ng mga kasamahan. Nagulat ito nang makita si Irog. 


"Patawad po sa aking karahasan. Natuwa po ako sa mga pakpak ninyo kaya hiniram ko ng walang paalam, " hinging paumanhin ng binata. "Ako nga pala si Irog. Ulila na ako at walang kasama sa buhay. Kung mamarapatin mong mahalin kita ay pagsisilbihan kita habang buhay."


Hindi na nag-isip ng matagal ang dilag. Pumayag agad ito sa kanyang pagsamo. Tinawag itong Giliw ni Irog. 


"Sige, mamahalin kita sa isang kondisyon. Huwag kang mag-uuwi ng mga hayop na mabilis lumipad. Kapag ginawa mo iyon ay mawawala ako sa iyong buhay."


Tuwang-tuwa naman si Irog dahil mapagmahal din ang dilag sa mga hayop. Nagkasundo sila ni Giliw at tuluyan nang nagsama. Biniyayaan sila ng dalawang anak makaraan ang ilang taon.  Pinangalanan nila ang mga ito ng Tagumpay at Ligaya. Si Ligaya ay lumaking mabait at masunurin sa mga magulang. Si Tagumpay naman ay masipag at mabait din. Minsan ay masaya silang nag-uusap nang magtanong si Ligaya. 


"Bakit kaya bihirang magsalita si Inay? Hindi naman siya pipi. Matalino naman siya at maraming alam."


Sumagot si Irog. "Huwag kang magtaka, anak. Lagi ninyong tatandaan na kapag ang dagat ay mababaw, ito ay maingay. Subalit kapag ang dagat ay malalim, ito ay tahimik. Makinig kayo sa payo ng mga nakatatanda at lagi ninyo iyong tandaan: Ang maganda ay pulutin ninyo.  Itapon naman ninyo ang masamang gawain lalo na kung makasasakit ng damdamin ng inyong kapwa."


Minsan ay nagpahinga si Tagumpay sa lilim ng isang puno. Nagulat siya ng may ibong dumapo sa balikat niya. Palibhasa ay magiliwin sa mga hayop kaya hinuli ni Tagumpay ang ibon at iniuwi sa kanilang bahay. Tuwang-tuwa naman si Ligaya dahil sa iba-ibang kulay ng ibon. Agad nila itong ipinakita sa ina.


"Nakaganda niya, hindi ba, inay?" ang natutuwang sabi ni Tagumpay. 


Napaluha si Giliw. "Oo,  iyan si Panay,  ang aming panginoon."


At mabilis na nagtungo sa silid ang babae. Dagli nitong isinuot ang mga pakpak at dagli ring lumipad palayo. Malungkot na ibinalita ng magkapatid ang paglisan ng kanilang ina. Mula noon ay naging malungkutin na si Irog. Palagi siyang nagpupunta sa batis, nagbabakasakali siyang bumalik si Giliw. Ang batis na ito ang pinagmulan ng isang magandang kasaysayan ng pag-ibig. Dito nagmula ang pangalang Panay o Iloilo.


Ngayon,  ang Panay o Iloilo ay isang malaking pulo sa Kabisayaan. 


Alamat ng Sampalok


Noong unang panahon ay may isang matandang babae na naninirahan sa tabi ng ilog. Wala siyang ginagawa kundi ang maglinis ng kanyang bakuran at diligin ang kanyang mga pananim.


Isang araw, may nanghingi ng kanyang ilang pananim. Ang matanda ay nagalit at pinalayas ang bata.

Madamot ang matanda tuwing may pupunta sa kanyang tahanan upang humingi ng tulong, agad niyang pinalalayas ang mga ito.


Minsan ay isang diwata ang nagpanggap na isang babaeng madungis. Humingi siya ng makakain. Nagalit ang matanda at pinalayas ang babaeng madungis. Nagalit ang diwata sa ginawa ng madamot na matanda.


Dahil sa iyong pagiging labis na madamot, kahit na marami ka namang pananim na maaring ibahagi sa iyong kapwa, ikaw ay aking paparusahan. Sa ilang saglit ang matandang babae ay naglaho at ang lugar na dating kinatitirikan ng kanyang bahay ay naging lawa.


Sa katagalan ng panahon ang lawa ay natuyo at may tumubong isang puno. Ang lahat ng taong napapadaan sa nasabing puno’y napapahinto dahil sa dami ng bungang nakasabit sa mga sanga. Ngunit natatakot silang pumitas dahil hindi nila alam kung maaring kainin ito.


Isang binata ang napadaan at tinangkang kumain ng bunga ng puno. Itinapon nito agad ang nasabing bunga pagkatikim dahil sa sobrang asim. Nasabi ng binata na ang bunga ay katulad ng matandang madamot na dating nakatira sa lugar na iyon. Punung-puno ng bunga ang puno, ngunit sobrang asim naman ng laman.


Alamat ng Waling-Waling

Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao, may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa kaniyang galing at tapang sa digmaan siya’y nakilala bilang isang kilabot sa iba’t ibang kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan.


Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon. Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni Bal-Lido. Sa labanang ito siya niregaluhn ng sundang. Subalit bago pa man ito napasakaniya, dumaan muna siya sa isang pagsubok.


“Kunin mo ang itak,” sabi ni Bal-Lido. Sa pagtingala ni Solaiman nakita niya ang isang lumulutang na itak. “Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso,” Di nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at iniakmang puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang braso nagulatna lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat na napilas mula sa kaniyang katawan.


“Mula sa puntong ito Solaiman, hindi ka na magagalaw ng kahit anong sandata pa man.” Sabi ni Bal-Lido. “Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng sundang sa akin.”


Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa pag-ibig. Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at kinatatakutan siya hindi lamang ng kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga tagasunod. Sa mga kalye pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao. Umaalingawngaw ang mga babala sa lahat ng sulok ng kaharian, “Itago ang asawa’t mga anak na babae dahil si Solaiman ay paparating.”


Nag-uumapaw na ang mga babae sa harem niya subalit, hindi pa rin siya tumitigil sa pangongolekta nito. Para sa isang maharlikang tulad niya, walang dalang bigat ang naguumapaw na babae sa kaniyang buhay. Kung may isang aalis, may tatlong darating, kung gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang sundang, tila mas matalim ang kaniyang mga salita pagdating sa pag-ibig.


Sa dulo ng kaniyang kaharian, may naninirahang isang mangingisda. Kasama nito ang kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga sa kaniya. Isang tapat na tagapaglingkod ang mangingisdang ito kay Rajah Solaiman. Subalit, dahil sa pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng kaniyang anak na si Waling-Waling, itinago niya ito sa gitna ng gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa kaniyang anak, lalo pa ang mga mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding hindi siya makatatanggi sa kung ano mang sabihin ng kaniyang Rajah.


Tumira si Waling-Waling sa itaas ng isang punong lauan. Napaliligiran ito ng mga ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang nakaaalam ng paraan upang makaakyat dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda lamang. Pati ang mga pagbisita niya ay planadong-planado. Sa umaga, siya’y nagdadala ng pagkain at sa gabi nama’y sinisiguradong ligtas at maayos ang kaniyang anak. Isang di pangkaraniwang kagandahan nga talaga itong si Waling-Waling. Singkinis ng sutla ang kaniyang balat, singdilim ng uling ang buhok, ang kaniyang mga pisngi ay parang dinampian ng rosas, mga matang sing tingkad ng mga alitaptap sa gitna ng dilim, at ang kaniyang mga pilik mata’y tila mga alon sa pagkakurbada. Madali sana para sa dalaga ang ipakasal sa kahit na sino kung isa lamang siyang dugong-maharlika. Subalit, nagiging mahirap ang lahat dahil isa lamang siyang pangkaraniwang mamamayan.


Isang araw habang nangangaso si Solaiman sa gubat, napansin niyang may isang tirahan sa itaas ng mga puno. Sa gitna ng mga puno, nasulyapan niya ang bahay ni Waling-Waling. Sa kaniyang paglingon nakita nito ang isang kakaibang kagandahang noon pa lamang niya nakita.


Napasigaw si Rajah Solaiman, “Sino ang ama mo? Sigurado akong itinatago ka lamang niya sa akin!” Hindi sumagot sa Waling-Waling sa takot na baka kung anong gawin ng Rajah sa kaniyang ama.


Sa kaniyang pagtulog, nanaginip ang mangingisda ng mga karimarimarim na ideya. Nang magising ito mula sa masasamang panaginip, kumaripas siya ng takbo upang tunguhin ang tirahan ni Waling-Waling sa gubat. Laking gulat niya nang maabutan niya ang isang nagngingitngit na Rajah.


“Paano mo nagawang itago sa akin ang isang nilalang na singganda ng iyong anak? Sabihin mo sa kaniyang bumaba upang makita ko siya ng mas maayos.” Utos ng Rajah sa mangingisda. “Gawin mo ito kung ayaw mong mahati ng aking sundang.”


Sa utos ng kaniyang ama, bumaba naman si Waling-Waling. Nang umabot siya sa kalahati ng puno, nadampian siya ng ilaw mula sa buwan na lalong nagbigay liwanag sa kaniyang ganda. “Hindi kita papatayin,” sabi ni Solaiman sa mangingisda, “subalit, nais ko sanang pakasalan ang iyong anak. Ipinapangako kong pakakawalan lahat ng babae sa aking harem at siya ang gagawin kong asa…”


Bago pa man tuluyang matapos ni Solaiman ang kaniyang sasabihin at bago pa man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan ng Rajah at ng mangingisda. Isang liwanag ang bumalot sa buong gubat. Nakita nila ang isang imahen na papaliit nang papaliit. Ang dating katawan ni Waling-Waling ay tila sumabit sa mga sanga ng puno. Habang paunti-unting nawala ang liwanag tila naging mas malinaw sa dalawa ang imahen ng isang bulaklak. Isang bulaklak na may lila’t pulang batik sa kaniyang mga talulot.


Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan subalit, walang nagawa si Solaiman at ang mangingisda. Pagbalik sa palasyo, inatasan niya ang mga kawal niya na kumuha ng bulaklak ng Waling-Waling sa gubat at ipalamuti ito sa mga puno sa harapan ng palasyo. Isang pag-alaala sa pag-ibig na tila abot kamay na niya ngunit naglaho ng parang bula.