Mga Kwento ng Alamat sa Pilipinas

Wednesday, 27 September 2017

Alamat ng Durian

Ito ang Alamat ng Durian.

Sa isang bayan sa Mindanao ay may isang matandang nag ngangalang During.
Kilala si Tandang During bilang isang matandang sobrang sungit.

Karaniwan nang panakot sa mga bata ang kanyang pagkatao at sabi nila ay may lahi itong mangkukulam.

Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay mag-isa sapul nung mamatay ang kanyang asawa at anak.

Noong namatay ang mga ito, nag alok ng tulong ang mga taong nasa paligid nya ngunit tumanggi ito.

Buhat noon ay inasikaso na lamang ni Tandang During ang kanyang mga tanim na halaman.

Masungit ang matanda, kaya't iniiwasan ito ng mga tao.

Maraming taon ang dumaan ngunit si Tandang During ay gayon parin.

Isang gabi, isang masamang amoy ang tila itinaboy ng hangin sa komunidad.

Nanatili ito hanggang sa nagkaisa na ang mga tao na puntahan ang pinanggagalingan nito.

Tiyak nilang kay Tandang During galing ang amoy na iyon.

Hinanap nila ang matanda ngunit di nila ito nakita. Sa halip ay napansin nila ang isang puno na may bunga na ang balat ay matitinik.






Dahil sa sobrang kahinugan ay bumuka na ang balak nito.

Isang lalaki ang sumubok na tikman ito. Nagtakip ang lahat ng ilong ng buksan nila ang prutas pero ang lahat ay nasarapan sa misteryosong bunga.

Nagsipitas silang lahat at nag uwi sa kani-kanilang bahay.

Nang may makasalubong silang matanda, tinanong kung ano ang dala nilang prutas.

"Bunga ng tanim ni Tandang During yan" sabi ng isa

"During yan" ang pagkakaintindi ng matanda.

Kaya nang bigyan nila ito at tinanong ng mga kakilala kung ano iyon at sinabi ng matanda na ang prutas ay "During yan"

Kalaunay tinawag na itong "Durian".

Monday, 7 August 2017

Alamat ng Ampalaya

Alamat Ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.





Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.


Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.